Ephemeral

15 2 0
                                    

A I N E ' s P O V

Tinap ko ang chathead ng groupchat namin nang makitang may binabati sila.

BJ:
Happy Birthday! @Lance Del Fierro

Aleja:
HBD! @Lance Del Fierro

Joan:
Maligayang kaarawan Lance!

Julius:
HBD pre! Libre naman dyan! Hahaha.

Lance:
Thank you guys! ❤️ Next time na libre pre @Julius Quirino.

Marami pang bumabati sakaniya at nahihiya akong batiin siya sa gc namin kasi hindi ko pa gaano kaclose ang mga kaklase ko, kaya naman nag-private message nalang ako dun kay Lance. Ayoko naman kasing maging rude.

Aine:
Hi Kuya! Happy Birthday! 🎊🎉🎂🎈

Naseen na niya ito at mabilis ding nagreply.

Lance:
Hala thank you! Okay na sana eh kaso may Kuya pa 😂.

Aine:
Ay hahaha okay na po yan, Kuya.

Lance:
Hahaha sige thank you ulit ☺️!

Aine:
Welcome 😊.

Yun ang unang naging pag-uusap namin sa social media. Hanggang sa nagkayayaan ang mga classroom officers na magcanvas ng gift sa adviser namin dahil magb-Birthday na ito next week. At dahil kasama ako sa officers ay wala akong nagawa kundi sumama. Pinilit pa nga nila ako dahil ayoko sumama nung una, kasi hindi ko naman ganun kaclose ang mga officers at maulan pa. Habang naglalakad kami nun papunta sa sakayan ng jeep ay nagkaron ng weird topics.

"Uy Lance, payungan mo nga si Aine." Sabi ni Greg kahit na may payong naman ako. "Ay.. tabihan mo nalang pala." Dagdag naman nito nang makitang may payong ako.

Lumapit naman sakin si Lance at sinabayan ako lumakad. Hindi kami nagpapansinan dahil.. hindi naman kami close at ang pag-uusap lang namin ay yung binati ko siya nung birthday niya, kaya hindi narin ako nag-effort na mag-open ng topic. Nginitian ko nalang siya.

Nang makarating kami sa mall ay nagulat ako sa naging asta nila sakin. Tinawag nila akong Ate at nagpapabili ng kung anu-ano sa grocery store. Hinawakan pa nga nung isa ang braso ko at nagbaby talk na parang isa talagang nakakabata kong kapatid!

Na-weirduhan ako sakanila nun lalo na sakaniya. Kasi hindi siya nahihiya sakin, hindi sila nahihiya. Kaya naman naging makulit narin ako at nakisakay sa trip nila. Kung tinawag nila akong Ate, tinawag ko naman silang Bunso. Nang makarating naman kami sa toy store ay nagsi-watakan kami, kani-kaniyang puntahan sa kung anong laruan na makita. Ang ilan ay nag-ikot ikot habang ako at nagpunta sa mga online games na nabibili.

Nagtingin-tingin lang ako dun kasi I love online games nang biglang may magsalita sa tabi ko.

"Nagtitingin ka dyan ha.."

Napalingon ako at nakita si Lance. Nakangiti siya habang tumitingin din ng mga CDs. Um-oo ako at iniwan siya roon para tignan ang iba pa. Hindi talaga ako komportable sakaniya dahil hindi pa kami close. Kaya naman nang uuwi na kami ng kaibigan ko na kaklase rin namin ay nagkaroon ng apir-an bago maghiwa-hiwalay.

Ephemeral | One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon