Chapter 5 - The Training pt.1

127 28 2
                                    


"Prrrrffffffft."- ako

Melisa's POV

"Pila nang ayos!!"- ma-awtoridad at powerful na sigaw ni Mr. Alpha

Hahahahahah takte! Di ko talaga mapigilang tumawa.

"Pfft."

Nabaling ang atensyon nang lahat sakin dahil sa pagtawa ko. Nilingon ko lang sila na parang walang nangyari.

"Bakit?"- inosenteng tanong ko sa kanila. Langya. Baka maparusahan pa ko dito dahil kay Mr. Alpha eh.

"FOCUS, MS. ROSA!!!"- sigaw ni Mr. Alpha

Pina-pila na kami at nag-simula nang mag-jog. Natural lang naman sakin yung mga ganitong training dahil excercise lang to kung tutuusin. Lalo na't kung yung coach nyo sa soccer, yung katulad ni coach Alfred, edi namatay ka na sa uhaw eh, hindi ka pa din pwede huminto. Kailangan daw kasi sanayin ang katawan.

Unang araw ko nga sa Volleyball training noon, sobrang sakit nang katawan ko dahil sa pag-talon talon.

"Konting Bilis!!!"- sigaw ni Mr. Alpha mula sa likod namin

Luhh? Palibhasa naka-motor sya eh, pasigaw-sigaw sya dyan at kung anu-ano inuutos nya?! Nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo at hindi na sya nilingon. Mamaya pagtingin ko dyan matawa pa ko at mapa-push ups ako nang wala sa oras.

Minadali kong mag-jog at halos ako na ang nauna sa lahat. Narinig ko pang sumigaw si Mr. Alpha pero hindi ko sya pinansin. Sabi-sabi sya nang bilisan pero pag binilisan naman, nagagalit. Tss. Ang gulo nyang kausap.

Habang tumatakbo ako, nilingon ko ang mga kasama kong tumatakbo kanina. Malayo na sila at halos blur na ang mukha nila. Napaling ang paningin ko kay Mr. Alpha na nakasakay sa motor at sinusundan ako habang sumisigaw. "MARIA MELISA ROSA!! STOP!"- yan yung sigaw nya.

Lalo kong binilisan ang takbo ko. Hahah. Wala pala yang motor na yan sa takbo ko eh. "Mr. Alpha!!! I-JUNK SHOP MO NA YANG MOTOR MO!! DANGBAGAL!"- sigaw ko pabalik.

"MISS ROSA!! 3RD WARNING NA!! PAG DI KA HUMTO DYAN 500 PUSH UPS KA!!!"- sigaw ni Mr. Alpha mula sa likuran ko. Malayo na ang distansya namin pero rinig na rinig pa rin ang boses nya.

Sus! Hahaha bahala ka dyan!

*************

Amethyst's POV

Tahimik akong tumatakbo kasama yung mga tine-training dito nang tawagin ako ni Mr. Alpha. Hindi ko na sana sya papansinin nang may sinabi syang ikinatuwa ko.

"Habulin mo si Melisa! Kapag napahinto mo siya, pwede ka nang magpahinga at matulog. Basta tandaan mo, bago ka magpahinga, dalhin mo ulit sya sa pila."- Mr. Alpha

Nagsimula na kong tumakbo para habulin si Melisa. Hindi man nila sya makita dahil sa layo nang distansya, ako naman ang nakakakita sa kanya. Unti-unti akong nakalapit nang hindi nya nalalaman. Hinablot ko ang kwelyo nang damit nya mula sa likod. Halata namang nagulat sya kaya napahinto sya.

"Bumalik ka daw sa pila. Utos iyon ni Mr. Alpha,"- mahinahong sabi ko.

"Bakit? Pakialam mo kung ayoko?"- sya

Ayoko sanang sabihin to pero... "Sabihin mo yan sakin kung kaya mo na katawan mo. Wala naman akong pakialam sayo kahit mamatay ka dyan eh, ang akin lang, pagkatapos nang utos sakin, makakapagpahinga na ko. Kaso nga lang, ikaw ang iniutos kaya wala kang magagawa."- wika ko at nagsimula nang maglakad papalayo.

Nadaanan ko pa kanina yung mga kasama kong mag-jog . Nakahinto sila at lahat ay naka-titig sakin pati si Mr. Alpha.

"Tapos na. Magpapahinga na ko."- saad ko kay Mr. Alpha

Dumiretso ako sa loob nang Agency namin. Pero bago ako matulog, napagdesisyunan ko munang pumunta sa opisina ni Blake para kunin yung susi sa room.

Naglakad ako sa isang madilim na pasilyo. Kung sinumang ibang tao ang makakakita dito ay marahil magtataka kung bakit hindi iniilawan ang lugar na ito, mainit daw kasi sa corridor na ito kapag may ilaw tuwing umaga.

Lumiko ako sa kanang parte nang corridor, malapit sa vasment, kung saan naroroon ang opisina ni Blake. Hindi ko alam kung bakit nandoon ang opisina nya. Wala rin naman akong balak tanungin sya dahil tanging susi lang ang kailangan ko.

Si Blake Jsycge West kasi ang keeper at naka-assign sa security areas. Sya ang pinaka-kanang kamay ni Mr. Alpha. Si Zhander o Z naman ay ang taga-plano sa buong agency. Umaagapay lang sa kanya si Mr. Alpha dahil si Zhander daw ang pinaka-matalino sa buong agency. Hindi ko nga lang alam kung saan banda.

Sa harapan palang nang opisina ay alam ko nang may mali. Paano magkakaroon nang electric lipstick sa opisina ni Blake? Security dapat ang inaatupag nya kaysa mag-aral nang kung anu-anong bagay? At panong may makakapasok dito kung si Blake lang ang inatasan at ang pinaka-MAJOR na rules sa kanya ay HUWAG na WAG magpapapasok nang walang pahintulot ni Mr. Alpha, which is kasama lang namin kanina.

Pagpasok ko sa office, tumambad sakin ang mga gulo-gulong papeles at isang box na kulay pula.

Kinuha ko ang kahon at binuksan iyon. Tumambad sakin ang litrato ni Mr. Alpha na may ekis na pula. Amoy dugo. Tumutulo pa ang dugo na nasa litrato kaya malamang ay kalalagay lang nito sa security room.

Naguguluhan talaga ako sa mga tao. Punagpa-planuhan nila yung kalaban pero wina-warningan nila? Ang gulo. Tapos yung mga kalaban naman, alam namang tinatarget sila, padalos-dalos pa, ayan tuloy, ang bilis mamatay.

Iniligpit ko ang box at lalabas na sana nang security room nang may bigla akong maamoy na kakaiba.

Hmm....dugo..

Dugo nang Aso.

Bago pa man ako makapag-react ay may naramdaman na kong malamig na bagay sa batok ko.

"Wag ka nang mangialam.... Mamamatay ka lang."- bulong nang isang matinis na boses nang babae mula sa likuran ko.

I smirked. "Go on. Kill me if you can."-natatawang pag-iinsulto ko sa kanya.

'Anong tingin mo sakin? Magiging Hunter ba ko kung wala lang?"

*************

A/n: Wheheheh may pagkakasala ako sa inyo! Pero dinalawa ko naman yung update eh hahahah. Inistalk ko kasi si Krass ihh

Assassin (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon