Mag-asawang Nagbubungangaan

45 4 0
                                    

Sa isang coffee shop na nagngangalang, "Puwet ko".....

Tumawag ang asawa ni Berto sa kanyang telepono.

Matilda: Berto! Asan ka na?!

Berto: Bakit?! Ano nanaman ba ang problema mo?!

Matilda: Aba! Tinatanong kita ng maayos. Asan ka nga?

Berto: Nasa "Puwet ko", nagkakape.

Matilda: Huwag mo akong niloloko-loko! Seryoso ako.

Berto: Seryoso din ako!

Matilda: Bahala ka nga! Basta! Sunduin mo na si Junjun sa eskwela. Maglalabasan na sila. Hindi kasi siya masusundo ng kuya niya. Nasa trabaho kasi.

Berto: Sige, sige. Aalis na ako.

Pagkatapos nila mag-usap ay galit na tumayo si Berto upang umalis. Sa kanyang paglalakad ay mayroon siyang nabunggong waiter. Natapunan nito ng kape si Berto.

Berto: Ano ba iyan!

Waiter: Sorry ho, Sir!

Berto: Umalis ka na nga lang.

At tuluyan na itong umalis. Naiwan na lamang nakatitig ang waiter sa kanya habang papalabas ito ng coffee shop.

Tindahan ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon