Muling ibalik ang tamis ng pag-.............KAPE?!

47 4 0
                                    

Sa coffee shop pa rin:

Mahigit isang oras na naghihintay si Cleotilde sa kapatid niyang si Julia. Napag-usapan kasi nila na sabay silang uuwi. Nauna ang labasan ni Cleotilde kaya't pumunta na lamang siya sa coffee shop sa tapat ng kolehiyo na pinag-aaralan ng kapatid.

Buti na lamang ay nadala niya ang laptop niya kaya naglaro na lamang siya ng "Solitaire". Mag-wiwifi sana siya ngunit nakalimutan na niyang tanungin ang barista kung ano ung password nila noong bumili siya ng kape. Tinatamad rin itong bumalik sa kawnter kaya hinayaan na lang niya.

Pagkatapos niyang ubusin ang kanyang inorder, lumapit ang waiter sa kanya at tinanong kung puwede na niyang kuhanin ang mga pinagkanan nito. Pumayag naman si Cleotilde at tinuloy ang paglalaro sa laptop.

Pagkalipas ng kalahating oras ay dumating na si Julia, pero hindi siya nag-iisa. Sinamahan siya ng kanyang bagong tropa sa kolehiyo. Nagulat si Cleotilde dahil sa pagkakaalam niya ay pagkarating ni Julia ay tatambay muna sila ng kaunti at aalis na. HIndi niya inakala na magdadala si Julia ng kasama. Ngayon lamang nakilala ni Cleotilde ang mga kaibigan ng kapatid.

Nagkatuwaan muna sila bago naisipan na nilang umuwi. Noong papalabas na sila, nahuli si Cleotilde at Julia sa paglabas dahil hinanap pa ni Julia ang kanyang cellphone sa kanyang bag.

Nagtingin-tingin muna si Cleotilde sa paligid habang iniintay si Julia. Mayroon siyang nakitang pamilyar na mukha na nagmamadaling pumasok sa coffee shop.

Cleotilde: Julia! Julia! Tignan mo, oh. Si Jeff. Hindi ko naisip na makikita ko siya uli. Ang huling pagkikita namin ay noong hayskul pa kami. Liniligawan niya ako pero kinailangan na niyang umalis papuntang Maynila dahil lumago ang negosyo ng pamilya nila rito. Pero alam mo? Nakakaawa iyan. Ang huling balita na nalaman ko tungkol sa kanya ay naloko ang tatay niya ng kapartner nito sa negosyo at namulubi sila.

Julia: Ayun! Nakita ko rin! May sinasabi ka ba?

Cleotilde: Grabeh ka talaga! Nagkukuwento ako rito. Akala ko nakikinig ka, hindi pala. Bahala ka na nga! Tara labas na tayo baka naiinip na ang tropa mo sa labas.

Julia: Ay! Oo nga. Tara na.

At lumabas na rin sila sa coffee shop.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tindahan ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon