Jeepney
Maraming uri ng pag-ibig, may pag-ibig sa Diyos, sa magulang, sa kaibigan, sa pamilya, sa kasalungat na kasarian. May ibang tao na biktima ng pag-ibig na hindi nagkakatuluyan, may nakakakilig na love story, may nakaka-iyak, may nakakatawa, may nakakatrauma, at meron ding ipaparamdam lang sayo kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ngunit hindi kayong dalawa ang itinadhana para sa isa't isa.
“Excuse lang ho--patabi!” malakas na ani ko habang nakikipagsiksikan sa terminal ng jeep.
Jusko naman! Male-late na ako sa trabaho ko eh!
“Bayad ho! Isang bayan!” sabi ko sa driver ng sa wakas ay nakapasok at naka-upo na ako sa jeep.
At dahil nga haggard na ang lola niyo ay mabilisan lang akong nagpulbo at nagpabango dahil ilang minuto lang ang lumipas ay napuno na ng pasahero ang sinasakyan kong jeep at bumyahe na.
Pwede naman kasi akong sunduin ni--Aiisssshhh!
Umiling ako at saka iginala ang paningin sa mga taong kasabay ko rin dito sa sasakyan. Tumigil ang aking mga mata sa lalaking katabi ko na may kausap sa cellphone.
“Dad! Where's Luisa? Tss. Kung bakit ba naman kasi sa Jeep mo pa ako pinasakay eh may sasakyan--Yeah yeah! I know. Okay... Bye.” nang sa palagay ko ay tinapos na niya ang tawag ay ibinaba rin nung lalaki ang cellphone niya.
Iniwas ko ang paningin ko at tumingin na lang sa labas.
Ow em zeeee! Bakit ganito? Bakit ako kinakabahan? May mangyayari bang masama kaya ganito? Tapos parang may humahalukay sa tiyan ko at bakit parang mas naging hyper ako ngayon? Jusko day!
Matunog akong bumuntong hininga.
Tumigil ang jeep ng may pumara ditong mga estudyante. Ang dami nila, ha? Mukhang bago ako makapasok sa trabaho ay haggard na naman ako.
Pumasok na ang mga estudyante sa loob ng jeep na naging dahilan kaya nagsiksikan ang mga tao. Lumakas ang pintig ng puso ko ng magdikit ang braso namin nung lalaking katabi ko.
Hala ka na?! Na-ground ata ako! Ano bang nangyayari sa akin?! Huhu.
Tinikom ko ang bibig at saka pasimpleng hinawakan ang kaliwang parte ng aking dibdib. Ay wala pala akong dibdib, charot! Haha!
Taimtim akong nagdasal na sana ay tumigil na ang kabang nararamdaman ko kanina pa pero wala eh! Mas lalo lang lumala lalo na nang lingunin ako nung lalaki at tinitigan ako na nagsasabing Are-you-okay-look. Ay worried si kowya! Yie. Haha!
Nilingon ko naman siya at malapad na nginisian. Iniwas niya din naman agad ang kanyang paningin sa akin kaya tinuon ko nalang muli ang atensyon ko sa labas ng sasakyan.
Ah! May naalala ako! Kailangan ko pa palang dumaan sa SM, may pinapabili kasi ang ka-opisina ko eh hays.
Sumigaw ang konduktor ng nasa Bayan na kami kaya naman ay bumaba na ako sa jeep. Lumabas na din ang lalaking katabi ko kanina na parang tangang palingon-lingon pa at halatang walang alam sa kung saan siya pupunta.
Pffft.
Hindi ko na lang siya pinansin at saka mabilis na tumawid. Sumunod naman ang lalaki ng mapansin sigurong tatawid ang halos lahat ng kasabayan naming pasahero kanina sa jeepney.
Nang makatawid ay umakyat ako footbridge. Medyo mahaba ito at mainit pa dahil ang hangganan nito ay ang SM na.
Natigilan at napahawak ako sa aking dibdib ng may kumalabit sa akin sa likod.
Jusko! Magkakaheart attack pa ata ako! Ano ba naman yan!
“Bakit ba?!--”
Napawi ang inis at ang pagsigaw ko sana sa kung sinong kumalabit sa akin ng mapagtantong ang nakatabi kong lalaki ang siyang kumalabit sa akin.