Beauty And A Star
"Excuse me.. excuse" Napatigil ako sa panggigitgit sa mga tao ng makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila.
OMG! Si Pier Mendoza! Yung idol kong singer nandito sa mall.
"Pier! Omg!" Nakisiksik pa ako para mas lalong makalapit kay Pier.
Nakangiti ito habang kinukuha ang mga cellphone ng nakapaligid sa kanya para makipagpicture dito. Nilabas ko ang cellphone ko at pilit na inaabot din sa kanya ngunit nakaharang ang mga guwardiya.
Napalingon ito sa akin at kinuha ang cellphone ko. Napatili ako dahil sa ginawa niya. Napatulala ako sa ka-gwapuhan nito.
"Tingin ka sa camera Kate." Napatalon ako ng sambitin niya ang pangalan ko.
"K-kilala mo a-ako?" Shet! Nauutal ako dito sa kilig. Umayos ka Kate!
Sasagot na sana ito ngunit may ibinulong dito ang katabi nitong babae na paniguradong manager nito.
"I'm so sorry girls, Pier needs to go." Tumingin si Pier sa akin at ibinalik na ang cellphone sa akin pero nanatiling nakahawak ang kamay niya sa akin pero agad ding bumitiw dahil hinila na siya palayo ng kanyang manager.
Napatingin ako sa picture naming dalawa sa cellphone ko. What just happen?
~~~
"Oh em gee Katee! Paano ka nakilala ni Pier?" Tumatalon si Hailey habang tumitili.
Nandito kami sa cafeteria at nahihiya na ako sa inaasta nito dahil napapatingin na sa amin ang mga estudyante dito. Kinwento ko ang nangyari sa amin ni Pier doon sa mall at nagsisisi ako dahil sa kaingayan niya.
"Shh! Wag kang maingay Hailey.. Nakakahiya ka na oh!" Nilingon-lingon ko ang paligid at kitang kita ko na naiirita na ang iba dahil sa ingay ni Hailey.
"Ano naman sa kanila! Dapat ipinagmamalaki ang ganyan." Tinakpan ko na lang ang bibig nito dahil pati ako ay naiirita na rin rito.
"Kumain ka na lang nga!"
Habang kumakain kami ay biglang may nagsipagtilian na mga babae sa pintuan ng cafeteria. Napalingon kaming dalawa at nagulat ako ng makita ang grupo ng mga kalalakihan at nasa gitna nito ay si Pier na may hawak na gitara.
Anong ginagawa niyan dito? Ang alam ko di yan dito nag-aaral.
Pinagkaguluhan siya ng mga babae at kitang kita ko na nakatingin ito sa akin. Pinamulahan ako ng mukha at napaiwas ng tingin.
Gash! Kinikilig yata ako ng wala sa oras.
"Uyy sinunsundan ka yata ni Mr. Charming!" Kiniliti ako nito bahagya sa tiyan kaya napatalon ako sa gulat.
"Tumahimik ka nga Hailey." Sumimsim ako sa binili kong strawberry juice. Napaangat ako ng tingin ng may maaninag akong isang tao sa aking harapan.
"Kamusta?" Nakangiti nitong saad.
Lumingon-lingon ako sa paligid at tinuro pa ang sarili ko. Ako ba ang kausap niya?
"Kamusta Kate?" Pag-uulit nito sa sinabi kanina. Confirm Kate! Ikaw nga ang kausap niya.
"Uhh Kate, bili lang ako ah." Hindi pa ako nakakasagot ay kumaripas na ng takbo si Hailey. Tingnan mo yung babaeng yun, iniwanan ako rito.
Kaya mo yan Kate! Act normal.
"O-okay l-lang." Shit! Sabi ko act normal eh. Huwag kang mautal diyan.
"Don't worry, I don't bite beautiful girls like you, so don't be nervous." Ano daw? Beautiful? Ako? Is this real? Ang isang Pier Mendoza ay tinatawag akong beautiful?