Kung kaklase mo si crush

1K 3 0
                                    

Kung kaklase mo ang iyong crush, naririto ang mga paraan para sa iyo:

For girls:

1. Ibuhos mo nalang sa pag-aaral ang iyong oras.

Huwag mo nang sayangin sa crush mo ang iyong oras. Pag sipagan mo nalang ang iyong pag aaral. Matutuwa pa ang iyong mga magulang, magiging sikat ka pa sa inyong paaralan, at baka sakaling mapansin ka na ni crush. 'Di joke lang! Move on girl! Kung gusto ka niya talaga, kahit ano ka pa, mapapansin ka talaga niyan.

2. Ano pa nga ba? Eh di maghanap ng bagong crush.

Tama! Maghanap ka ng iba! Pero isang tip lang ang mabibigay ko sa iyo, kung magka crush ka man muli - sana yung wala pang syota. Para hindi ka na ulit ma bitter kung may kalampungan man siyang iba.

3. Subukan mong pansinin ang iyong manliligaw o mga taga hanga na dati rati naman ay hindi mo pinapansin..

Subukan mo lang naman, di ba? Subukan mong lumabas kasama sila, mamasyal sa mall, kain kain, kasamang mag aral ng lessons, kasabay pumasok sa school at iba pang pwedeng gawin. Malay mo, may ma discover ka sa kanila na gusto mo pala. Hindi man sa hitsura, sa ugali naman.

4. Girl, mag paganda ka nalang lalo!

Sabi nga nila pag naka move on na ang isang babae after the break up, it only means na naka move on na iyan. Syempre, parang ganoon na din yung iyo. Para ka na ding dumadaan sa break up. Malay mo mapansin ka ni crush kapag yun ang ginawa mo. 'Di joke lang ulit! Seryoso na, malay mo may maka appreciate ng ginagawa mo diba. May ma attract sayo. Syempre, panibagong lovelife na yan. Eh di good!

.Try mong magpa gupit! New hairstyle or new hair color.

.Try mong ibahin ang iyong style sa pananamit.

.Try mo ding maglagay ng make up sa iyong mukha. O ibahin ang style ng iyong make up kung ikaw ay matagal ng gumagamit ng cosmetic product.

For Boys:

1. Try mo mag visit ng gym.

Mag workout ka nalang! Baka nananaba ka na dyan, kakakain o kaka inom ng alak. Mabuti pa ang gym, hindi ka bibiguin. Makikita at makikita mo agad ang resulta, kahit isang linggo pa lamang. Di tulad ni crush, na kahit pumuti na ata ang uwak, wala pa ring napapala.

2. Tulad sa girls, subukan mong ibahin ang iyong style...

Subukan mong ibahin ang iyong style sa pananamit, pwede mo ring ibahin ang iyong style ng buhok. Malay mo isa pala dyan ang mali sa iyo, di ba? Harap harap din ng salamin pag may time. Joke lang!

3. Iwasan ang bisyo.

Malay mo yan pala ang ayaw sa iyo ng mga chicks! Oo, alam ko, hindi pare pareho ang mga babae. May good girl at bad girls. Pero hello? Nakaka turn off kaya kapag may bisyo ang lalake. Kahit na yosi lang yan o panginginom ng alak. Nakaka turn off pa din! Isipin palang naming mga babae, kung ano ang amoy ng hininga niyong mga may bisyo, e wala na. Nahihimatay na kami sa turn off... Kaya healthy lifestyle dapat!

4. Mag aral ka nalang ng mabuti.

Kayong mga boys ha, kayo usually ang mga pabaya sa pag aaral. Paano kayo seseryosohin ng girls, kung tamad naman kayong mag aral? Girls tend to be ideal when it comes to their dream man, and din naman guys for sure. Kaya mag aral ng mabuti, madaming benefits yan e, gaya ng, magiging sikat ka sa school, mapapansin ka ng ibang chicks, pwede na ring pati si crush.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips Para Makalimot Kay Crush Na Hindi NamamansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon