Chapter 2~ The curse of OUR castle

13 1 0
                                    

Nasa isang puting sofa siya na contrast sa Cobalt Blueng dingding nang kwarto ko. Nakapatong sa glass coffee table ang isang laptop. Wala akong makitang tatak.

Oh, for sure kaya balot na balot iyon kasi CHEAP lang iyon.

Nakita ko siyang napabuntong hininga nang malalim habang tutok na tutok sa screen nang laptop niya. Naka salamin nanaman siya at tutok na tutok ang pangit niyang mukha sa screen. Nakatukod ang mga siko niya sa mga tuhod niya at sinusuportahan nang kamay niya ang baba niya. His fingers ay in a HUSH POSITION sa labi at baba niya.

Ang gwapo sana nang posisyon niya kaso pangit siya kaya ang pangit niyang tignan.

Napa kunot ang noo niya na parang ang dami niyang problema sa loob nang laptop. Mukha talaga siyang bachelor na business man.

Hindi pa siya nakuntento, kinuha niya ang laptop niya at nilagay niya sa lap niya. Tinulak sa magandang angle para makita niya lalo. Napabusangot ako nang may nakita akong reflection sa salamin niya.

Touch of white, pink , red, orange and green color. Major theme nang CANDY CRUSH.

Kunot na kunot ang noo niya habang pindot ng pindot sa touch pad nang laptop niya.

Then biglang nag light yung dark ugly face niya sabay sabing..

"DELICIOUS!"

with all the triumph sa tono niya. Napansin niya ako nung madampian niya nang tingin ang direction ko. That is the moment na may tinanggal sa tenga niya, earphone maybe, at saka ngumiti sa akin.

"Yo!" ang Panget niya ka swag niya si BUDOY. Hindi si Gerald Anderson mismo ha. Si Budoy talaga. Mukha siyang retired nung itaas niya ang kamay niya sa akin habang guhit nalang ang mata niya.

"Bakit ka nasa kwarto ko?" Mataray kong tanong. Nawala ang singkit sa mga mata niya.

"Ha?" kamukha niya si Psyduck nang Pokemon.

"Kwarto ko ito." sabi ko.

"No." maikli niyang sabi.

"I own this room." sabi ko.

"No. IMB owns this." Aba! Pilosopo! Naginit ang tenga ko at ang pinaka ayaw ko sa isang tao ay una PANGET at pangalawa PILOSOPO!

Gosh why do they put me here?

He possessed them all!

"I occupied this SPACE!" nabulalas ko.

"Matter?" sagot niya na alam ko base sa mga mata niya pinipigilan niyang matawa.

CRAP! He loves it.

"Get out." Kalmado kong sabi.

"Nandito na ang mga gamit ko kaya mahihirapan akong lumipat nang kwarto." PANGET. gusto ko idagdag iyon sa dulo nang sentence habang makikipagtagisan nang titig sa kanya.

"Nandito na din ang mga gamit ko." cool at nakangiti niyang sabi sa akin. Ang gwapo niya sanang tignan sa mga titig niya kung gwapo lang sana siya, KASO PANGET SIYA! PANGET!

"Nandoon ang libro ko which is I suppose na mas marami sa libro mo." Turo niya sa may stack nang libro sa bintana.

Sa kanya yung mga libro na iyon?

Then may remote siyang kinuha sa bulsa niya at may pinindot may drawer na biglang nag pull sa ilalim nang kama at laman noon ang iba't ibang libro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Mrs. Bachelor~ [Frog Prince]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon