Sakit sa Ulo

26 2 0
                                    

*Sapak*

"4r4y ko naman b3h! Mananapak ka nalang ako pa talaga!"

"Eh kasi!! Nakakainis talaga yung Dominic na yun! Ang yabang litse! Kala mo naman kagwapuhan eh ang liit liit nga! Porket magaling lang siya, gaganyanin nya na tayo. Hay nako! Kelan kaya yan magbabago!?"

"Bakit ba? Ano ba ginawa nya sayo? Di ka naman ata inaano niyan eh?"

"Sinabihan ba naman ako na ang daming dumi sa gawa ko buset! Edi siya na magaling!"

"Ay litshe. Ang yabang nga! Hayaan mo na nga! Babanatan kona yan sa susunod swear!"

"Sus gid! Pag ako gumaling! Lagot yan sakin!"

*Tumunog ang 12 P.M. bell*

"Yun oh, malapit na mag time! Oyis! Kain tayo sa Mang Inasal ah! Treat ko, text mo si Patrisia at si Ginny! Baka mawala tong inis ko pag kumain tayo!"

"Sige ba! Wait lang tetext ko na"

Habang nililigpit ko na yung mga brush ko, tinetext ko na din sina Patrisia at Ginny. Nakikita ko pa ngang banas na banas talaga tong kaibigan kong si Pene. Nakakabwisit naman din kasi yung ugali nung Dominic na yun eh. Laging pa cute tas ang yabang sobra. Di na ako nagtataka kung bat nagkakaganun si Pene.

Ay! Di ko pa pala napapakilala sarili ko!

Ako nga pala si Blair Odette Legaspi. A.k.a. Odelle.

Ikwekwento ko sa inyo ang Love Story ng kaibigan kong si Jane Penelope Guevarra. A.k.a. Pene. At ang kwento naming magkakaibigan na sina Patrine Reshia Ocampo a.k.a. Patrisia or Trisia, at si Gennybel Joy Gregorio a.k.a. Ginny. Oh ang taray ng nicknames diba? Pang artista! Mga estudyante kami ng University of the East Caloocan. 1st year Fine arts-Advertising arts. At dito nagsisimula ang makabuluhang buhay namin sa college!

•Hoy mga bakla! Kita kita daw tayo sa 5th floor ng 12:20 bilisan niyo! Dun kami sa may mga locker! Lilibre daw tayo ni Pene sa Mang Inasal!•

•Sige! Malapit nako matapos teka.• Reply ni Ginny.

•Ok. Otw na.• Reply naman ni Trisia.

Habang hinihintay namin ni Pene sina Trisia at Ginny, naalala ko nanaman yung nawawala kong pencil case. Grabe may magbalik pa kaya nun? Sana nga mabalik. Ang lahat ng lapis at pens ko andun.

Di na nagtagal, dumating na sina Trisia at Ginny. Tumatakbo pa nga.

"Ang bagal niyo!" Ika ni Pene

"Sorry Pene, di agad kami pinalabas ni Ser eh" sabi naman ni Trisia.

"Osiya tara na marami pakong ikwekwento sa inyo"

Nang makarating na kami sa Mang Inasal, puno na pero nakahanap agad kami ng upuan at lamesa habang umoorder si Pene at Ginny.

"Uhmm excuse me po, kami po nakaupo jan. Nag cr lang po ako at umoorder sila."

"Ha?"

"Ay!? Kayo pala yan Odelle at Trisia! May kasama pa ba kayo? Kung wala share nalang kayo samin"

Her Chibi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon