Tables

14 1 0
                                    

"Dominic!?"

"Hahahaha why so you look so shocked Miss Blair? Nagwapuhan ka sakin no?"

"Asa naman. Natakot nga ako eh. Kayo pala nakaupo dito. Sige hahanap nalang kami ni Trisia ng ibang lamesa."

"Bakit may kasama pa ba kayo?"

"Oo sina Ginny at Pene"

"Share na tayo dito tatlo lang naman kami nila Diane at Marco"

"Hindi wag na, thanks nalang, see you in class nalang"

"Uhh okay?"

Naghanap kami ng panibagong lamesa. Buti chumempong may paalis na kaya inabangan namin. Hinahanap na pala kami nila Pene. Para nga siyang shunga kakatingin HAHAHA. Kawayan ko nga muna.

"Ayun andun sila!"

"Hahahahaha! Hinanap mo kami no?"

"Oo! Nagulat ako! Litsi. Si Dominic na nakaupo sa lamesa natin kanina! Bakit niyo pinayagang agawin lamesa natin! "

"Oy di ah. Nauna DAW sila dun. Nag cr lng siya."

"Ngi kahit na! Umalis siya eh!"

"Hayaan mo na may table naman na tayo" sabi naman ni Ginny

"Osige sige... Dito nalang nga"

"Ay mga inday ikwekwento ko na sa inyo!"

"Sigee go!"

"Ayun kase! Yung Dominic na yun! Ang yabang nakakainis! Alam mo bang nagpapa good vibes na agad sa teacher? Porket valedictorian siya nung hs tapos laging sumasali sa mga painting competition, ganyan na siya. Nakakainis naman. Tapos eto pa! Kinokorek ung lahat ng mali ko! Oo Lam ko naman mali ko eh! Pero kailangan nya pang ipamukha sakin? Wow ah. Wow talaga"

"Woooooooah. Edi siya na! Nakakahiya naman sakanya no" sabi ni Ginny

"Porket magaling eh" sabi naman ni Trisia

"Hay nako, sana magbago siya. Baka famewhore lang yun." Ang sabi ko

"Baka nga!" Ika ni Pene

Humaba na ang usapan namin at nakatapos nadin kumain. Tapos biglang...

"Oshet! Alas dos na! Late na tayo sa klase! Hala!" Pasigaw na sabi ni Trisia

Nagmadali kaming umalis sa Mang Inasal at deretsong tumakbo nalang papuntang UE. Traffic kasi yung jeep eh. Pagdating naman namin sa TYK building. Ay grabe ang daming naghihintay sa elevator! Napag isipan naming maghagdanan nalang papuntang 5th floor. Nakakapagod! Lalo na't tumakbo lang din kami papunta. Nasa 3rd floor palang kami at hingal na hingal na.

"Hindi ko na kaya!" Sabi ni Trisia

"Pilitin mo! Dalawa nalang! Baka pinagtatawanan na tayo ni Dominic!" Sabi ni Pene

Kaya nagmadali din kami paakyat ng 5th floor. Pagdating namin sa 5th floor ay agad agad kaming tumakbo naman papuntang room 505. Nakita naming naglelesson na sila. Patay tayo jan.

Kinatok ni Pene yung pintuan. Nagbabakasakaling papasukin kami ng prof. Binuksan ng isa namin kaklase yung pintuan at pinapapapasok kami. Kinakabahan nako! Hala! Baka kung ano sabihin at ipagawa samin! Mabagal kaming pumasok at pinagtitinginan kami ng buong klase, tahimik sila nang biglang nagsalita yung prof namin na...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Chibi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon