John Songco: Name ng daddy ni April. May lahi silang kastila kaya naman mapuputi at magaganda/gwapo ang angkan nila. And daddy ni April ay nagmamay ari ng isang Cellphone Company sa states. Ng ipinanganak ang 1st baby niya ay nanatili na lang siya dito sa Philippines kasi gusto niya itong maalagaan. Tutal naman ay may nagaasikaso pa rin sa Company na iniwan niya at siya pa rin naman ang may ari nito. May business din naman ang mommy ni April kaya walang dahilan para maghirap sila, mahal na mahal niya ang kuya ni April. Na halos lahat ng gusto nito ay ibinigay niya, maraming nakuhang traits ang kuya ni April sa daddy niya maliban na nga lang ang masamang ugali. Sa dalawa niyang anak ay mas paborito niya ang panganay kaysa kay April dahil sa tingin ng daddy nila ay yung kuya ni April ang mas mapapakinabangan niya. Yun nga lang sobrang higpit niyang ama hanggang sa dumating na sa sukdulan dahil hindi niya pinayagan na magkaroon ng Girlfriend ang anak niya. Dahil din naman sa hindi mayaman ang girl and because of that ay natutunan siyang suwayin ng anak niya. Hindi ko naman sinasbing siya ang may kasalanan kung bat ganyan ang family niya pero since siya ang "Haligi ng tahanan" ay may malaki siyang contribution kung bat ganoon na lang kagulo at kalungkot ang whole family niya.
Aj Songco (Alison John Songco): Mas kilala siya sa nickname niya na Aj kasi hasstle nga naman kung tatawagin pa siya sa whole name niya. Si Aj ang panganay na anak ni John at ng asawa nito, si Aj din ang mahal na mahal na kuya ni April. Lumaki si Aj sa siksik, liglig at umaapaw na pagmamahal ng daddy niya. After 2months kasi na maipanganak si Aj ay nagtrabaho na kagad ang mommy niya kaya mas close sila ng daddy niya. Pero mahal pa rin niya naman ang mommy niya, sobrang blessed si Aj dahil binigyan siya ng daddy na katulad ni John. Lahat ng gusto niya ay ibinigay nito at lahat ng alam niya o talents niya ay nakuha o itinuro sa kanya ng daddy niya. Yun nga lang sobrang bait ni Aj kaya naman maraming nagkakagusto sa kanya pero isa lang ang nagustuhan niya sa lahat ng iyon. Naging sila nung girl pero palihim lang sa part ni Aj dahil naghahanap pa sila ng timing para maipakilala siya sa daddy ni Aj. Malaki ang agwat ng age ni Aj kay April, si Aj ay matalino, car racer, magaling na shooter at marami pang iba. Ng maipanganak na si April, after 2months ay lumipad na papuntang states ang daddy nila at bumalik na rin sa baguio ang mommy nila kaya naman si Aj ang mas nag alaga sa kapatid niya. Tinuring siya ni April na parang mommy at daddy niya kaya mahal na mahal siya ng kanyang bunsong kapatid, tinuruan niya si April ng maraming bagay lalo na ang kabutihang asal. Ilang taon niyang inalagaan at minahal ang kapatid niya dahil ng 4thyear high school si April ay namatay siya dahil sa car accident. Dahil sa pagkamatay niya ay marami ng nagbago at nawala sa naiwan niyang pamilya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo <3
Teen FictionThis story is about April Songco na rebelde and bully pero the truth is mabait talaga siya at nangungulila lang sa pagmamahal ng mga taong mahal niya rin. Papasok dito ang problema niya sa pagkamatay ng kuya niya, pambabalewala sa kanya ng daddy niy...