Unang Hakbang

21 2 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa salamat.
Nang masaksihan ko ang lahat.
Ang iyong kagandahang loob.
Na may pagkukusang loob.

Wari ko'y wala ng iba.
Wari koy wala ng natira.
Ngunit nang dumating ka.
Mga wari ko'y nag-iba.

Namulat akong kausap ka.
Nagulat akong kausap kita.
Mundo ko'y nag-iba.
Mula nang makilala kita.

Hindi ko alam ang dahila n.
Sa tuwing ako'y magdaraan.
Sa iyong tinatapakan.
Ako'y laging natitigilan.

Gusto kang kausap sa tabi.
Kapag nabiti'y ganun din sa gabi.
Pag-uwi ko'y lagi mong inaalala.
Unang tanong palagi ay kumain ka na ba?

Tayo'y nagtagal.
Sa sitwasyo'y walang umangal.
Ngunit tulad din ng iba.
Ikaw din ay nag-iba.

Hindi ko maalala.
Ang aking pagkasala.
Bakit nagbago ka?
Bakit? May iba ka na ba?

Bakit ako ganito?
Bakit tayo ganito?
Bakit biglang nagbago?
Bakit? Ipinagpalit na ba ko?

Maraming tanong sa isipan.
May nabubuong palaisipan.
May mga konklusyon.
Mas marami ang ilusyon.

Ako'y natigilan.
Natigil ang isipan.
Nabigyang kasagutan.
Mga tanong sa isipan.

Wala nga palang tayo.
Wala nga palang mundo.
Na umiikot sa'ting dalawa.
Na umiikot sa bawat isa.

Ako nga pala si tanga.
Ako nga pala si asa.
Ako ngayon si ikay.
Para tayong damit sa ukay-ukay.

Na kahit anong gawing pag-uukay.
Wala tayong lebel na mauukay.
Bakit ang labo mo?
Bakit ang bobo ko?

Bakit ang paasa mo?
Bakit ang tanga ko?
Hindi ko lubos maisip na may sisipsip.
Na sa ating pagitan may mamamagitan.

Umasa pa naman ako.
Pag-asang meron tayo.
Wala nga bang tayo?
Wala bang ikaw at ako?

Bakit nasasaktan ako?
Bakit nagkakaganito ako?
Minahal mo din ba ko?
O nagpakatanga lang ako?

Ako'y may katanungan.
Nais ko'y iyong pag-isipan.
Nais ko'y iyong malaman.
Isang beses lang ituturan.

Hanggang saan pwede?
Hanggang saan mananatili?
Pwede ba tayong mag-ka-ibigan?
Pwede bang hindi na lang mag-kaibigan?

Kaibigan o Ka-ibigan?Where stories live. Discover now