Pangalawang Hakbang

9 1 0
                                    

Doon napagtanto ko na, "Kaibigan pa ba talaga kita?"

"Kailangan ba humantong na tanungin pa talaga kita?"

Hanggang sa sagutin mo ang mga tanong na ito gamit ang iyong mga mata.

"OO Kaibigan mo nga ako at hanggang doon na lang tayo talaga."


Natigilan ako sa narinig ko, hindi ko na maintindihan yung dapat kong maramdaman.

"Teka lang naman!" Aking naturan sa gitna ng kawalan. 

"Ang sakit naman!" Nasabi ko sa'king isipan.

"Tama ba tong mga naririnig ko?" Tanong ko sa'yo na may pagdududang kaganapan.


"OO NGA!" sambit mo na parang irita ka na dahil parang may tinatago ka.

"KUNG ANO YUNG NARINIG MO, YUN NA YUN AT DI KO NA KAILANGANG MAGPALIWANAG PA!"

Doon ako natigilan sa lahat ng aking nalaman. "Nag-iba ka na" 

Salitang aking nabitawan. "Walang-wala ka sa dati kong nakilala." 


"EWAN KO SA'YO!" Galit na salitang binitawan mo.

"ANG HIRAP SA INYONG MGA BABAE, ANG BABAGAL NYO!" Salitang hindi ko inaasahang maririnig ko mula sa'yo.

"DI BA YUN NAMAN GUSTO NYO?" Pagpapatuloy mo.

"LAHAT NA LANG ITATANONG NYO!" paulit-ulit na umulit sa tainga ko.


"TAMA NA!" Sagot ko na nagpatahimik sa'yo.

"OO! PERO HINDI LAHAT NG INAAKALA MO TOTOO!" Sunod na sambit ko.

"Mas mabuti pang bigyan muna natin ng espasyo ang isa't isa ng tayo nama'y kumalma."

Suhestyon ko sa'yo ng nakatingin sa'yong mga mata na parang maluluha na.


"Mabuti pa nga, kesa nagkakaganito tayo sa sitwasyong hindi natin malaman kung bakit napakagulo." Sagot mo na nagpaagos ng tubig na sobrang tagal kong pinigil sa aking mga mata.

Tubig na di mo aasahang makita dahil nga nangako ka na walang masasaktan sa ating dalawa.

Yung tubig na hindi dahil sa masaya tayong dalawa kundi nasaktan natin ang isa't isa.

At doon ko napagtanto na "Umiiyak ka na rin pala."

Kaibigan o Ka-ibigan?Where stories live. Discover now