A Day with Him...The Past. Part2

4 0 0
                                    

Saturday today and inaya ako ni Aldrin mamasyal. Dapat sila Camille at Nami ang tatawagin ko maggala kasi magpapasama ako bumili ng ireregalo kay Aldrin kasi po malapit na anniversary namin and I really don't know what to give paano nasakanya na lahat pero yun nga nag-aya si Aldrin kaya di tuloy.

Three pm pa ang usapan namin ni Aldrin pero heto at namimili na ako ng susuotin ko.

"Excited much best? Hello, 10 am pa lang." andito lang naman si Camille para manggulo.

"Duhh!! Pakialam mo ba best? Minsan lang mag aya yun lumabas kaya dapat maganda ako." sabi ko.

"Hay naku ewan." sabi naman niya sabay bukas ng closet ko.

"Hoy babaita bakit ka nangingialam ng gamit diyan?" tanong ko loka loka kasi.

"Wala lang. Wala magawa eh. Eto na lahat ng damit mo? Ang konti ah." abat talaga to. Kung hindi ko lang kilala tong bruhang to.

"Wag ka nga, sa tulad kong yagit marami na yan. Compare mo pa kasi sa mga damit mo malamang

wala pa sa 1/4 yang mga damit ko. Hindi ka kaya nag uulit ng damit. Bakit ka ba kasi nandito? Makapambwisit ka ng araw eh wagas." mahaba haba kong paliwanag sa matapobre kong bestfriend.

"Eh pano fren sira din araw ko! Kainis kasi yang Kevin na yan." naiinis na sabi niya.

"Oh ano nanamang meron sa Kevin na yan?" tanong ko naman kahit parang alam ko na kung bakit.

"Eh pano inaya ko siyang lumabas and ayon ang sabi niya oo pero bigla na lang nagtxt na hindi na daw siya makakapunta kasi may emergency sa bahay nila.". nkapout na kwento niya saakin. Saklap talaga ng lovelife nito eh kung tutuusin siya nga yung hinahabol ng mga gwapings eh hindi naman pinapansin.

"Naaaayyyssss fren di ka pa nasanay diyan sa Kevin na yan? Eh halos 100x ka ng nag aya na idate ka niya,ilang beses ka nga ulit sinipot?" mapang asar na tanong ko sa kanya. haha

"Ano ba bruha busy lang talaga yung tao." layo ng sagot niya eh no?

"So? Ilang beses nga?" tanong ko ulit ..Natatawa na ako as in.

"Five?". nagbilang pa yan sa daliri ha.

"Hoy! tatlo lang consider doon noh." pangogontra ko sa kanya.

"Eh limang beses kaya." masama na ang tingin niya sakin niyan.

"Sige na nga, kaloka." pagsang ayon ko na lang mahirap na no baka masabunutan pa ko niyan.

Ang totoo niyan tatlong beses lang talaga siya sinamahan ni Kevin as in napilitan pa yung tao. Tapos yung dalawa is nagpakita lang siya at umalis din agad. haha masyado kasing inlove kay Kevz eh wala namang napapala sa isang yun.

"Whatever best." sabay kalkal pa din sa gamit ko.

"Hoy bruha ano ba bagay? eto o eto?" tanong ko na lang sa kanya sabay pakita ng mga napili kong damit.

"Walang bagay." walang kagatol gatol na sagot niya. Maganda kaya tong mga napili kong damit.

"Eto na kaya ang pinakamagagandang damit ko." sagot ko sa kanya.

"Come here."

"Bakit?" tanong ko.

"Just come here! Stupid." galit niyang sabi sakin.

Aba sumusobra na etong babautang eto. Hinila ko siya sa kamay at saka iniripan.

"Anong gusto mo away o gulo?" tanong ko sa kanya. Aba matapang kaya ako.

"Both. Alam mo yan."nagflip pa ng hair ang bruha.

"Halika na nga." sabay hila sa akin palapit sa whole body mirror ko.

"Eto ang bagay sayo." may itinapat siyang red dress sa katawan ko.

"Hello Camille, nagpapatawa ka ba?" tanong ko sa kanya. Paano ba naman yung dress na yun ay ginamit ko pa noong panahon pa ng hapon.

"No." nakangiting sagot niya.

"Baliw ka ba?Hindi sagala ang pupuntahan ko bruha. Kita mo nga hanggang daliri ng paa ko ang haba nito." kontra ko sa kanya dahil yun naman talaga ang totoo.

"Yun lang ba ang problema?hahaha" ang creepy niya ngayon tumatawa siya habang nilalaro sa kamay ang gunting na hawak.

"Huwag na huwag mo akong sasaktan bruha ka kahit bestfriend kita mumultuhin kita kapag sinaksak mo ko niyan." umaatras ako habang sinasabi ko yan. Hala baka sinaniban na ng evil ang aking bestfriend.

"Aray!" binatukan lang naman ako ng bruha.

"Shunga! Baka habulin pa ako ng itak ni kuya Aldrin pag ginawa ko yun no kawawa naman ang kagandahan ko." sagot naman ng ever feeling na babaita.

"Well,  lets start andami mo pang alam diyan." sabay hila saakin.

"Start what?" takang tanong ko.

"Ay shunga talaga. Pagandahin yang damit mo. Boba!" walang preno talaga ang bunganga nitong babaeng eto. Sarap ipakain sa pating. Buti na lang magaling talaga siya sa fashion yun nalang maitutulong niya.

After 3 years and a half.haha just kidding. After 2 hours natapos niya ang damit ko at OMG wala akong masabi sa galing niyang magtahi. Parang bagong bili ang dress ko. Naging simple siya pero elegante at above the knee na ang haba.

"Wow best! Bet na bet!" sabay pa kaming palakpak parang tanga.

"May bayad yan." biglang sabi niya ng sinukat ko ung dress.

"Wala akong pera." diretso kong sagot. Aba totoo namang wala akong pera no.

"Hahaha alam kong wala kang pra. Wala ka ngang pinambili ng bagong dress para sa date nio ni kuya eh." aba't nang insulto pa talaga.

"So?" suplada kong tanong sabay ikot sa salamin para tignan ang fitting ng dress saakin.

"Hmmn para mkabayad ka. Set a date for me and Kevin ako na bahala sa gastos basta ikaw ang bahalang pumilit sa kanyang pumunta. Please..." nakangiting sabi niya sa akin.

Hays Kevin nanaman. Kelan kaya matatauhan ang isang to. Kelangan na ata niyang ihulog sa bangin para lang magising.

"Alam ko namang magpupumilit ka kaya sige na ako ng bahala kay Kevin." sagot ko na lang sa kanya.

Sana lang talaga dumating na ang Pronce Charming ng babaeng to para naman hindi na maggulo sa lovelife ng iba.. haha Charing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Illusion called USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon