Chapter 2

15 1 0
                                    

Shawn Dave Miranda

Born: March 22, 1987

Died:  March 23, 2005

"Hi kuya Shawn.." nilapag ni Eyem ang bulaklak s harap ng puntod nito.

"Kuya Shawn, ano kayang gagawin ko kay Eyem? Siguro kung ikaw ang nasa tabi nya sasabihin nya ang problema nya." Naupo na din si Gray sa tabi nya..

Siniko sya ng dalaga kaya sya nanahimik. Tumahimik ang paligid. Hinayaan nalang nya muna ang dalaga.

"HAPPY BERTDAY KUYA SHAWN"

Masayang bati nila, iilan nalang sila sa bahay ampunan na yun dahil di na kayang suportahan ang mga bata kaya unti -unti na silang nababawasan.

"Salamat Eyem.." ginulo nito ang buhok nya..

"Kuya Shawn blow mo na yung candle.. ibabalik pa namin yan sa altar hihihi" sabi ni Gray..

"Haha loko loko ka Gray.. " pumikit ito ng matagal. Napagmasdan nila ang mga luhang pumatak galing dito.

"Hala pinaiyak nyo si kuya Shawn.. lagot ka Eyem.. pti ikaw Gray.." asar ng isang bata.

"Hala kuya may problema ba,, ayaw mo ba tong cake na to? Binili to ni madam eh " Dumukot ng icing si Gray at tinikman..

Nagmulat si Shawn saka ngumiti.. ngiting mapait.

"Di ko makakalimutan ang araw na to.. "

Matapos nilang magkainan ay nagpahinga na ang mga bata.

Lumapit si Eyem at Gray sa kanilang kuya kuyahan na nakatambay sa bintana at naggigitara.

"Kuya bat parang ang lungkot mo?"

"Siguro nagaway kayo ni ate maricar, di sya pumunta ngayon ah"

Sabat ni Gray.

"Pag kayo nagmahal, wag nyong ibibigay ang lahat. Para sa oras na iwan nila kayo di ganun kasakit"

"Wooo ang emo..  di ako magseseryoso sa mga babaeng manloloko.."

Sabi ni Gray

"Wag ka ngang ano dyan Gray epal, pano ka magaasawa kung di ka magmamahal saka sabi ni madam pag ang bata nagmahal, puppylove lang yun"

"Bakit?  PUPPY KA BA??"

"Tama n nga yan, Gray, wag na wag mong iiwan si Eyem, bantayan mo sya, ikaw na ang kuya nya"

"Oo nga, 15 ka na..  13 plng ako.. bakit kuya? Saan ka ba pupunta?"

Ngumiti lang ito..

"Ingatan nyo sarili nyo ah,, tandaan nyo, walang ibang magmamahal sa inyo ng buong buo  kundi ang sarili nyo lamang"

Natahimik sila ng sinimulan nitong tumugtog ng gitara.Madalas nilang gawin ang pakikinig habang tumutugtog si Shawn kaya nga sila naging malapit dito. Di nila alam na yun na pala ang huling awitin na maririnig nila mula dito.

Nagising si Eyem sa ingay ng mga tao sa labas ng kwarto nila.  Lumabas sya at nakita ang mga pulis at mga tao sa labas ng kwarto ng mga lalaki. Nilapitan nya si Gray na tulala lang sa sulok habang lumuluha.

"Gray anong nangyari? Bat ka umiiyak? Bat ang daming tao? GRAY??"

" si kuya... ku-kuya..k-k-kuya" tuluyan ng humagulhol si Gray..

"Iho dun muna tayo,." Inakay ni madam si Gray at naiwan si Eyem na gulong gulo.

Lumapit si Eyem sa mga batang nagiiyakan, apat nalang silang natutulog sa kwarto ng mga lalaki. Di nya alam ang nangyayari. Lumabas sa kwarto ang mga pulis.. at may kung anong buhat sila na may takip na kumot..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPELL T.A.N.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon