“Anj! Kantahan mo ako.” Pagbasa ko sa message ni Jami sa Messenger. Sinundan naman ito ng isang gif na kumikipat-kipat ang mata at nagpapa-cute.“Hmm. Sige wait. Anong kanta ba gusto mo?” Sagot ko.
“Your choice.” Sagot naman ng aking kaibigan.
Unang pumasok sa isip ko ang kantang Brown Eyes ng Destiny’s Child. Ilang araw ko na kasing pinakikinggan iyon. Ang ganda talaga lalo na iyong mga boy version na song covers. Kinanta ko ang isang parte ng chorus at sinend na ang voice message kay Jami.
“I know that he loves me ‘cause he told me so. I know that he loves me ‘cause his feelings show. And when he stares at me, you see he cares for me. You see how he is so deep in love.”
“Aww. Thank you! Kaso bakit naman yan pa yung napili mong kanta?” Message ni Jami sa akin.
“Nagagandahan kasi ako. Bakit?” Sagot ko.
“Hindi mo ba alam may curse yan?” Sagot niya.
“Ha? May curse? Yung kanta?” Sagot ko.
“Hala!!!” Pahabol ko.
“Oo. Lahat ng kinakantahan niyan hindi nagkakatuluyan. Proven and tested. May nabasa ako sa net tapos nangyari na yun kay Kuya, dun sa isa kong pinsan, tapos kina Godfrey.” Sagot ni Jami.
“Ah. Kinabahan ako. Okay lang yan hindi naman talaga magiging tayo hahaha.” Sagot ko na sinundan pa ng emojing umiiyak habang tumatawa.
“Siyempre kay Chris lang ako eh hihihi.” Sagot niya.
“Yieeeeeeee. Tapos ako naman kay Lance lang HAHAHA.” Sagot ko.
“Luh. Kayo ba?” Sagot niya na sinundan ng, “Joke lang. Love you sis!”
“SHAAAAAACKS!” Message ko nang maalalang ni-request ko kay Lance na kantahin yung Brown Eyes.
“Bakit?” Tanong ni Jami.
“Ni-request ko kasi yun kay Lance huhuhu. Buti na lang hindi pa ko sinasagot atsaka buti na lang nasabi mo kaagad. Thank you Jami!” Sagot ko at agad namang lumipat sa conversation namin ni Lance.
ME: LANCEEEEEEE!!!
LANCE: Po?
ME: WAG MO NA KANTAHIN SAKIN YUNG BROWN EYES. AYAW KO NA YUN.
LANCE: Bakit naman?
ME: Basta Lancelot Reign Gascon wag na wag mo kakantahin yun sakin. As in never.
ME: NEVER.
ME: Okay?
LANCE: Bakit nga Angelique Louise Bartolome?
ME: Eh kasi.
LANCE: Kasi?
ME: Baka mamaya kantahin mo lalo kapag sinabi ko.
LANCE: Hindi ah hahaha.
ME: May curse daw yun sabi ni Jami.
LANCE: Weh? Paano?
ME: Lahat daw ng kinakantahan nun di nagkakatuluyan.
LANCE: Wala namang evidences na totoo yan.
LANCE: Tsaka I don't believe in curses.
ME: Pero kahit na. Basta wag mo kakantahin sakin.
Pagkatapos ng huli kong message ay hindi na sumagot si Lance. Marahil ay nakulitan na sa akin. Hindi ko na rin muna siya kinulit kahit gusto ko ng assurance na hindi niya iyon kakantahin sa akin. Habang naghihintay ng kanyang sagot ay nag-scroll muna ako sa aking newsfeed. Tamang react at share lang sa nakakatawang mga post.
BINABASA MO ANG
Brown Eyes
NouvellesCan a so-called curse really keep two lovers from getting their happy ending? ----- Disclaimer: This is a work of fiction. The names, characters, places, and events are either product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resembl...