"lola, nakasakay na ako ng bus, malapit na kong makarating jan" ani ko sa aking lola habang kausap siya sa cellphone.
"osge apo, mag iingat ka sa biyahe mo ah" sagot naman ni lola mula sa kabilang linya..
"opo lola kayo din po magiingat." at saka ko binaba ang cellphone ko.
Napangiti ako dahil sobrang maalalahanin talaga ni lola sakin mula pagkabata dahil ako lang daw ang nagiisang apo niya sa kanyang nag iisang anak na si mommy. Sobrang tanda na ni lola pero napakalakas padin nya, siguro isa sa dahilan nun ay laking probinsya sya at ang tanging mga kinakain nila dito ay halos mga gulay at masusustansyang pagkain.
Habang nakatingin ako sa bintana ng bus, ay huminto ito sa isang waiting shed at napansin ko ang isang babae na nakasuot ng school uniform.. Nakakapagtaka dahil hindi pa naman pasukan dito at sa susunod pa na linggo magsisimula ang lahat ng klase dito. Bukod tangi na siya lang ang naka-uniform dito sa lugar na ito. Nakaupo siya sa waiting shed na animo'y may iniisip o parang tulala. Nagkibit balikat nalang ako at saka tumuloy na ang bus.
Wala pang 30mins. ay nakababa nako ng bus at nakita kong naglalakad na sila lola papunta sakin, kasama nya ang isang babae na medyo may edad na din..
Yun siguro ang kinukwento samin ni lola na nag aalaga daw sa kanya ngayon.. Parang nasa 40 plus nadin ang edad nung babae.
"nako apo, andami mo namang dala. Kamusta naman ang biyahe ng paborito kong apo" pambungad agad sakin ni lola sabay halik sa noo ko.
Nagmano ako kay lola at ngumiti naman ako sa kasama nyang babae.
"okay lang naman po lola, medyo nakakapagod palang magbiyahe magisa hehe" sabay kamot sa ulo ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa gate ng bahay ni lola. Konting lakad lang naman bago makarating dun kila lola.
Tumulong naman sa pagbuhat ng mga bagahe ko ang matanda na nag aalaga kay lola.
Dati ang kasama ko palagi sa pag biyahe ay sina mama at papa at hindi naman kami nagco-commute dahil may sarili naman kaming sasakyan. Pero ngayon ay magisa lang akong bumiyahe at nagcommute lang din ako. Pagdating namin sa bahay ni lola ay parang wala naman halos pinagbago, ganun padin simula nung huling punta ko dito.
"oh kumain muna tayo apo at alam kong nagutom ka sa biyahe at kailangan mo din magpahinga pagtapos nating kumain dito" ani ng aking lola habang hinahain naman ni manang ang mga pagkain..
Manang nalang daw pala ang itawag ko sa babaeng nagaalaga kay lola, lalo na't yun naman daw talaga ang tawag sa mga nakakatandang babae dto sa kanila.
Umupo naman ako sa tapat ng lamesa at ngumiti ako kay manang at nagpasalamat sa kanya.. Nagsimula na kaming tatlo na kumain.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako at saka dumiretso sa kuwarto, kung san dito na talaga ako nagkukuwarto tuwing nagbabakasyon kami dito sa lugar ni lola. Inayos ko na lahat ng mga gamit na dala ko at nilagay ang mga damit sa drawer. Napakadami kong dala dahil hindi lang basta bakasyon ang pinunta ko dito kundi pag aaral. Nag transfer nako dito at naasikaso na din ng magulang ko ang lahat ng mga papel sa eskwelahan na lilipatan ko. Sa susunod na linggo na ang pasukan at nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo. Ang dahilan kung bakit lumipat ako dito ay magtatrabaho ang magulang ko sa ibang bansa at hindi lang basta trabaho yun kundi negosyo. May sariling kompanya ang magulang ko dito sa Pilipinas pero nagkaroon sila ng opportunity na magtayo din ng negosyo sa ibang bansa. So hindi lang sa local pati nadin sa international. Alam kong pinaghirapan ng magulang ko iyon at sobrang proud ko sa kanila dahil pangarap nila ang lahat ng ginagawa nila ngayon. Doon muna daw sila mag-sstay at kung minsan daw ay uuwi din sila dito para mabisita ako at si lola. Ayaw ng magulang ko na ako lang magisa ang maiwan dun sa tinitirhan namin kaya nagusap kaming tatlo at nagpagdesisyunan namin na dito nalang ako tumira sa bahay ng lola ko.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ay humiga nako sa kama at tumingin sa kisame. Naalala ko ung babaeng nakita ko sa waiting shed kanina. Maputi sya, maganda, at di naman kahabaan ang buhok nya ngunit hindi din naman maikli..
At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako..
~
Kinabukasan ay tumulong ako sa gawaing bahay kay manang at napagpasiyahan naming tatlo nila lola at manang na mamasyal muna dahil tutal daw ay linggo naman ngayon at magsisimula ng ang pasukan ko bukas..
So ayun, pagkatapos namin sa gawaing bahay ay lumakad na kami sa dapat naming puntahan. Buong hapon ay namasyal lang kami nila lola at manang, nagkwentuhan tungkol sakin nung bata pa ako at kumain na din ng hapunan sa isang sikat na kainan dito sa lugar nila.
Magdidilim na nung makababa kami sa bus at ng makarating na kami sa bahay ay inayos ko na ang mga gagamitin ko para bukas sa school.. Mga gamit, pati nadin ang school uniform dahil maaga ako aalis para hindi ma-late sa unang araw ng pasukan.
~
LUNES."kriiiiing! kriiiing! kriiiiing!!"
Nagising ako sa alarm ng phone ko.. 8am ang pasok ko at eto ang unang araw ng pasukan at kailangan kong umalis ng maaga dahil maglalakad lang ako. Hindi naman kalayuan ang eskwelahan namin dito sa bahay ni lola at di ko na din kailangang sumakay ng bus para makapunta dun dahil sobrang lapit lang talaga nun.
Pagkababa ko ng sala ay may hinanda ng pagkain si manang.
"oh iho, kumain kana para makapag asikaso kana din para sa school mo" ani ni manang at saka ako umupo.
"sige manang, salamat po sa pagkain" ngumiti ako sa kanya at nagsimula ng kumain.
"sige lang iho dahul utos sakin yan ng lola mo kaya hindi mo na kailangang mag magpasalamat tsaka trabaho ko 'to" sagot ni manang habang nakangiti sakin.
Matapos kong kumain ay naligo na din ako at umakyat na sa kwarto para maayos ko na lahat ng gamit ko bago umalis.
Pagkababa ko galing kuwarto ay nakita kong gising na si lola at kumakain na ng almusal niya.
"papasok na po ako lola.. manang, una na po ako" nagmano ako kay lola bago umalis.
7:25 na ng umaga at naglalakad nako ngayon papuntang school.. Sakto yun at hindi ako male-late sa una kong klase dahil hahanapin ko pa kung san ang room ko..
Wala pang 15mins ay nakarating na ako ng school.
Building Theresa, room 8 ang nakasulat sa form ko.Pagkapasok ko ng school, unang napansin ko ang uniform ng mga babae, katulad ito sa babaeng nakita ko nung isang araw noong nasa bus ako..
So ibig sabihin ay dito din sya nag aaral??? Siguro masyado lang siyang excited na suotin ung uniform niya nung araw na yun hahaha!
Medyo natawa ako sa naisip ko pero nagtataka pa din ako.~
A/n:Hello guys ^_^
Wala pa pero nagpapasalamat na ako sa mga nagbabasa at magbabasa palang ng story ko!
Once a week lang po ako maguupdate ng bawat chapter hehehe. Sympre alam nyo na, may buhay din ang lola nyo hahaha!Loveyou all guys! Enjoy reading!
