007

67 3 0
                                    

Third Person

"aba aba, tignan niyo nga naman ang mga bagong dating!" kantyaw ni felix nang makitang halos sabay dumating sina joohyun at hyunjin.

"mukhang may nangyayari nang kakaiba ah." tumingin si jeongin kay hyunjin at nag-taas baba ito ng kilay while the older shot him a glare. "oh kay bilis namang maglaㅡ"

"...pumorma ng isa diyan," seungmin cut off jeongin as he made the lyrics appropriate. nagblush si joohyun dahil sa mga naririnig niya, pero ayaw niya rin namang mag-assume.

mas lalo siyang namula noong nakita niyang umupo si hyunjin sa kaliwang upuan na katabi niya. bakit naman sakin tatabi 'to?

hyunjin searched for his phone in his pocket and immediately messaged the boys in the gc.

Hyunjin: hoy tigilan niyo nga kakakantyaw niyo baka makahalata si joohyun!!!

Felix: SI HYUNJIN NAMUMULA

Felix: HAHAHAHAHAHAHAHA

hyunjin mouthed, 'humanda ka sakin mamaya' at the hysterically laughing felix. the former then turned his head to the right side, grinning at joohyun. "hello, pacheck ako assignment? hehe."

"hmm." tumango lang si joohyun at kinuha ang inaabot na notebook ni hyunjin. chinecheck niya kung tama ba ang solutions ng kausap nang magsalita si jisung, "pabebe amputa."

hindi maiwasan nina jeongin, felix at seungmin na mapa-bungisngis dahil sa sinabi ng kaibigan. the latter was jealous and they all knew it, pero inisip nila iyon as pangd-diss kay hyunjin.

lumingon si joohyun kay jisung na nasa likod lang nito.

"hi joohyun," bati ni jisung ng nakangiti. "nakatulog ka ba ng maayos kagabi?"

the girl smiled back, "yeah maayos naman tulog ko. ikaw ba?"

"tignan niyo mukha ni hyunjin, parang nalugi." tumawa si felix sa sinabi ni jeongin.

paano ba naman kasi e totoo 'yung sinabi niya. nakakunot at nakasimangot si hyunjin ngayon dahil ang kaninang atensyon ni joohyun na nasa kanya at notebook niya, ay napunta kay jisung.

"EHEM." seungmin faked a loud cough so that the two would hear him. nakuha naman ni felix ang signal.

"sungie~ alam mo ba mahimbing rin tulog ko kagabi?" siningkitan naman siya ng mata ng binata. "hindi naman kita tinatanong."

"SHARE KO LANG NAMAN! masama na bang magshare ngayon, ha? akala ko ba kaibigan kita? kumusta naman 'yung dalawang taon na pinagsaㅡ"

while he was trying to distract jisung, hyunjin grabbed the chance and called joohyun. "may mali po ba sa mga sagot ko, madam?"

joohyun won't deny that she felt something when the boy called her 'madam'. sana naman next time 'baby ko' na, chEREEEET.

daming alam na something, ang totoo marupok lang talaga siya.

"itong number four, naskip mo ata 'tong step na 'to," joohyun pointed out his mistake and taught him the right solution. napa-"aaaah" na lang ang binata.

ang ganda naman ng sulat niya, sana all. sa isip-isipan ni hyunjin.

"bukod diyan, wala ka naman nang mali." isinauli ni joohyun ang notebook nito. "uy, salamat! algebra master ka talaga."

"sus wala 'yon, at anong algebra master? bola ka," she hit his arm while chuckling so that the boy wouldn't notice her rose painted cheeks.

their convo ended just as the same time as the teacher arrived inside the room. "good morning class. i know patapos pa lang ang month of June pero gusto ko nang ibigay sa inyo ang project ninyo sa subject ko, para mabawasan na rin ang mga gagawin ninyo kapag papalapit na ang finals."

"you will be in pairs, randomly. i will assign your pairs after the discussion of what the project will be." the entire class groaned nang marinig nila ito. 

"ayoko ng pabigat na kagrupo!" seobin jokingly yelled that made his classmates laughed. agad na sinuway ito ng teacher nila.

"ang project niyo ay ang pag-gawa ng mga memories sa isa't isa at pagd-document about dito. you will take photos and make journals, parang scrapbook. be creative as much as you can. date of submission will be at the end of July and you need to have at least 3 entries per pair." tumango tango sila pero may ibang hindi sang-ayon rito.

"ano ba 'yan, ang baduy," bulong ng isa sa katabi niya. "pahihirapan pa yata tayo ni ma'am."

"the reason why i made this as your project ay para mas makilala ninyong magkakaklase ang isa't isa. now i'll start calling you in pairs."

sa isip-isip ni joohyun ay hinhiling nitong si yuri na wala pa sa klase ang maka-grupo. dahil kung hindi ay wala na siguro siyang chance na maipasa ito, hindi pa naman siya sociable. iyon ang iniisip niya.

"hwang hyunjin and lee joohyun," both of their eyes widened nang matawag ang kanilang pangalan. that only means that they'll be in one group, at napa-yes naman si hyunjin sa isip nito dahil maisasagawa niya nang madalian ang pustahan. iyon ang iniisip niya.

"hi partner," tawag ni hyunjin kay joohyun. the latter can't even look straight at his eyes sa sobrang pamumula niya. it's like she just wants to disperse infront of her crush, right here, right now.

"hehe hi?" tumingin na sa kung saan saan si joohyun, maiwasan lang ang tingin ng binata. "kelan tayo magsisimula?"

"kung gusto mo ngayㅡ" naputol ang sasabihin nito nang magsalita na ang guro. "one more thing, there would be a long test regarding the lessons i will discuss today and tomorrow. now let's start the discussion, shall we?"

"ayun," tango ni hyunjin. "let's start mamaya, review tayo for the test."

"okay then." replied joohyun. dahil rin dito ay malaki ang pasalamat niya at nakakahinga na siya ng maluwag.

enjoy this medyo lengthy narration, pambawi sa almost 20 days na walang update. akala ko maddiscontinue na 'to e ahdkakdhahsja.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

❝ EPHEMERAL ❞ ⋰˚♡ ʜᴡᴀɴɢ ʜʏᴜɴᴊɪɴTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon