Chapter One

28 0 0
                                    

Sinara ko na ang laptop ko nang dapuan ako ng antok. I just finished watching the old korean drama Who Are You: School 2015.  And tulad ng ibang k-drama na napanood ko, di ako maka-move on agad. Mapa-good man or bad ending.

I sighed. I must watch another k-drama for this unsatisfied heart. Oh my heart..

Kinabukasan ay masigla akong sinalubong ng bestfriend ko na si Maricar. Mukhang tulad ko ay katatapos lamang niya panuorin ang napanood ko.

Sobrang payapa at tahimik pa ng paligid. Pero dahil samin ng bestfriend ko ay nabulabog ito. We're both telling our favorite parts to each other in own quiet way. Naki-sali pa ang iba naming kaklase na may alam ng drama kaya mas tumahimik ang grupo namin.

Free day ngayon. This is the last Culminating Activity for this school year. Para ito sa pag-aaward ng iba't-ibang studyanteng may achievements ngayong month. And since it's already march, malapit na din pala ang practice namin for moving up.


Lapit na palang mag-bakasyon.

I'm busy tying my friend's hair when my bestfriend Anjo suddenly hold my hair. He gently caress it that made my heart pound. 

"Bakit?" natatawa kong tanong.

Bukod sakanya ay wala nang humahawak sa buhok ko para ipitan at ayusan. Hindi ako sanay maipitan dahil ako ang taga-ipit ng section namin. Laging nakalugay ang buhok ko kahit pa sa nipis nito ay madaling mabuhol ng malakas na hangin.


"Nakakita ako ng ribbon sa gilid. Gayahin natin si Mitsuha." 

"Mitsuha? 'yung sa Kimi no Na wa?"

"Oo,"


He sounds very excited. Ngumiti ng nakakaloko ang kaibigan kong si Aubrey nang matapos ko syang ipitan. Alam kasi nito ang pag-tingin ko sa bestfriend ko. Yes, it's a tragic one-sided-love-story na alam ng buong section namin. Umiling na lang ako sakanya at ngumiti.


She giggled, "Thanks, yeobo." 

Kumabog ang dibdib ko nang muling maramdaman ang kamay ni Anjo sa buhok ko. Kung para sa kanya ay wala lang ito.. sobrang kabaliktaran naman 'to sakin.


"Baka tanggalin ko din 'yan mamaya."

"Tanggalin mo," mabilis na sagot nya.  Napalunok ako nang marahan nyang suklayin ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.

"Ayos lang sayo?" 

"Yep yep," 

Hinayaan ko syang gawin ang gusto nya sa buhok ko. Simpleng braid lamang ito pero inabot sya ng ilang minuto. Paulit-ulit sya dahil nagugulo ito pero hindi sya tumigil.

"Tapos na," natatawa na may halong hiya nyang saad.

"Akala ko bukas pa tayo matatapos eh," 

Pagbaba namin ay sumalubong na agad sakin ang kakaibang tingin ng iba kong kaibigan. Nagpanggap na lang akong walang nakikita saka tuluyang nagpaalam kay Anjo.

Nag-umpisa na ang program. Unti-unti nang nauubos ang pila ng section namin sa sunod sunod na pagtawag ng pangalan nila sa stage. Hindi tulad ko na laging taga-turo ng sayaw at taga-drawing lang, matatalino ang mga ito na kadalasan ay nagbibigay ng award sa school. Isa na si Anjo sa mga 'yon.

Mabilis na natapos ang unang batch ng awarding sa mga students. Break time na kaya nagulo na rin ang pila ng mga studyante. Nagugutom na 'ko.

"Rej!" marahan akong hinila sa braso ni Maricar habang tumatawa ito. Malakas ang kutob ko na may balak na naman syang di ko magugustuhan. 

"Nakikita mo ba 'yun?"

Tinignan ko ang pwesto na tinuturo nya. Kumpol ito ng mga lalaking na kung hindi ako nagkakamali ay section Magsaysay, second to the last section.


"Ano meron?" takang tanong ko. Hindi naman kasi nagkakainteres si Maricar sa mga lalaki. Mas lalaki pa nga ito kumilos kung tutuusin.

"Nakikita mo yung nakaupo sa sahig? 'Yung may salamin!"

Naningkit ang mga mata kong hinanap ang sinasabi nya. Dumapo ang mga mata ko sa lalaking prenteng nakaupo sa sahig na tila bagot na bagot sa buhay nya.

"May kamukha syang kore-" hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ko ay sumagot na si Maricar.

"Si Mr. President!"

Namilog ang mata ko nang makompirma nga ang nasa isip ko. Mr. President ang tawag namin sa isang cast ng School 2015. May salamin ito at mukhang seryoso lagi. Malapit na malapit sa lalaking tinuro sakin ni Maricar.

"Lapitan natin dali!"

Agad akong napatingin kay Maricar na may halong pagkabigla at pagtataka.

"Lah adik ka?!"

"Oo dali! Di naman nya tayo kilala eh."


Lumayo ako sakanya habang umiiling. Hindi pwede. Nakakahiya ang naiisip nya!


"Dali! Magsama tayo ng iba."

Napa-hilamos na lang ako sa mukha. Kilala ko si Maricar. Alam kong pag naisipan nyang gawin ang isang bagay ay gagawin nya. Pero kung sabagay ay tama naman sya. Huli naman na 'to at isa pa, hindi naman kami kilala ng lalaking 'yon.

"Isunod natin si Harry Potter," humahagikgik sya habang sinasabi 'yon. May studyante din kasi kaming nakita na kamukha ni Harry Potter.

Tulad ng nasa plano ay naghatak pa kami ng makakasama. Si Reena, isa sa mga bestfriend kong adik din sa k-drama, ang willing na sumama sa balak namin. Sinubukan naming mag-aya pa ng iba ngunit masyado daw nakakahiya ang gagawin namin.


"April! Sama ka dali! Lalapitan namin 'yun oh." 

Itinuro ni Reena si Mr. President. Agad namang lumingon si April dun at kinumpirma pa kung tama ba ang tinitignan nya.

"Yun ba? Kilala ko 'yun teka!"

Hindi pa kami nakakapag-salita ay tumakbo na si April papunta sa lalaking 'yun. Napatalikod ako ng wala sa oras. B-bakit nya pinuntahan?!

Maya maya lang ay nakangiti nang bumalik samin si April.  

"Sinabihan ko na sya." 


W-WHAT?! 


Muling namuo ang hiya sa dibdib ko. Maski sila Maricar ay natawa dahil mukhang mas nakakahiya ang gagawin namin. Jusko naman. Itutuloy pa ba 'to?!


Wala na kaming nakumbinsing sumama samin. Kung hindi lang ako hatak hatak ni Maricar ay gusto ko na ring umatras. Ayoko na. Kahihiyan ko na naman 'to.


Nakalas bigla ang ribbon na tali ko. Nalaman ko na lang nang maramdaman kong lumaylay na  pabagsak ang buhok ko. At dahil sa naka-braid ito kanina ay medyo buhaghag pa ang pagkakakulot nito. Hays. Marahan ko na lang itong inayos kahit na alam kong wala nang pag-asa.


Ilang beses akong umatras habang papalapit kami sa lalaki pero agad din akong nahahatak paabante. Ilang minuto din kaming naghahatakan bago kami tuluyang makalapit sa pwesto ng kumpol ng mga lalaki.


Kumakabog ang dibdib ko. Sana makalimutan agad nya ang mukha ko. Sana.


Nakatalikod sila sa amin. Nasa harapan ng kumpol si Mr. President kaya mukhang buong tropa nya ang makakasaksi ng kahihiyang 'to. Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako ng sobra!

Bumilang si Maricar ng pabulong. Nang makatatlo sya ay agad kaming tumakbo papunta sa harapan ng lalaking target namin. Pakiramdam ko mabibingi ako sa kabog ng dibdib ko kasabay nang pagbagal ng nasa paligid ko.


"Hana, Dul, Set.. ANNYEONGHASEYO!"

--






BabuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon