....

21 1 0
                                    

Umagang- umaga, Tamad na tamad. May mag babago ba sa buhay na ito? Ahhh… Meron naman. Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa araw na ito. Biglang nag ring ang doorbell. Sinusubukan ko itong hindi pansinin pero… Isa… dalawa… tatlo… nako. Tatlong ulit. Sino nanamang pa importanteng tao ito? Kinamot ko ang aking ulo. Sinuot ko ang aking damit na bomberman ang print. Nag suot ng di magkapares na tsinelas at umalis sa silid kong kulay berde. Sobrang bagal ko bang kumilos at biglang katok siya? Di kuntento sa doorbell?

“Katok pa more.” Binulong ko sa aking sarili. Binuksan ko ang pinto para lang Makita ang aking…

“BESTFRIEND!!” sigaw niya.

“Kookie. Ano? Umagang-umaga ang hilig mong mang bulabog.” Sabi ko sa kanya.

“Grabe ka naman bakla--!” tinakpan ko agad-agad ang kanyang bibig.

“Hoy! Manahimik ka! Baka marinig ka ng iba! Hay! Pumasok ka na nga!” sabay hila sa kanya sa aking bahay. Iniwan ko siya sa pinto at naglakad ako sa sofa. Nang ako ay uupo bigla siyang nagsalita.

“Wow naman. Ganyan ka ba sa mga bisita mo?” sabi niya habang hinuhubad ang kanya tsinelas.

Tinignan ko siya ng matagal. Nang napansin niya na hindi ako gumagalaw sa akin pwesto at nakatingin sa kanya lumapit siya sakin at tumingala.

“At bakit?” kumukunot na ang kanyang noo. Kinakabahan ako… bakit? Tinignan ko siya diretso sa mata.

“Dahil, iba ka. Espesyal ka.”

“Ha? Anong ibig mong—“

“TIBO KA EH.”

“BAKLA. SHUT UP.” Sabi niya at biglang iwas sa aking tingin. Halatang nagtampo siya. Hinakbangan niya nalang ang sofa para makaupo siya. Niyakap ang unan na nasa tabi at binuksan ang T.V.. Tumabi ako sa kanya. Sinusulyap-sulyap ko siya, tinitignan ko kung nag tatampo pa. hmm… nag tatampo pa nga.

“Oh? Bakit ka nagagalit? Itigil mo na yan at baka magbunguan ang kilay mo.” Sabi ko. Failed. Di niya ako pinansin. Huminga ako ng malalim at tinignan ko yung orasan, 11:00 am na pala. Nakakunot pa rin ang kanyang noo. Hinarangan ko ang T.V.

“Kookie… Sorry.”

“Ewan ko sa’yo Jean. Palagi nalang.”

I never expected her to be like this. Naguguluhan na ako. Alam mo yung tipong sinabi mo sa sarili mo na kaibigan lang siya. no more. No less. The more na nag sasama kami, the more akong nagbabago. Oo, bakla nga ako pero alam mo yung… natitibo ako sa kanya?

“Kookie, Stop acting like this. Dali na. You’re making me look bad.” Lumapit ako medyo sa mukha niya.

“Really Jean? Shut up. I’m not mad. Please umalis ka sa harap ko, nanonood ako.” Tinignan niya ako ng diretson sa mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napapansin niya ba na medyo nag babago na ang trato ko sa kanya? Gusto kong umiwas sa paningin niya pero parang ayaw ko din kasi ang sarap niyang titigan. Hay… natitibo na ako sa kanya.

“Kung yun ang gusto mo ‘edi no problem.” Nag lakad ako papuntang kusina para magluto ng pagkain. Sumilip ako sa kanya bago ako pumasok sa kusina. Ako lang ba o parang mas mahigpit na ang yakap niya sa unan? Naghihiwa ako ng sibuyas. Sobrang tahimik naming dalawa. Ang ingay lang na maririnig naming ay ang T.V. at ang pag hiwa ko ng sibuyas… Hindi ako sanay. Madalas kasi kaming maingay kahit nasaan man kami pero bakit ganito? Lately lang ako nagging tahimik, I never expected na isang tulad niya mananahimik. Kailangan kong mag-isip ng topic.

“Bakit ang aga-aga napadaan ka sa amin? What happen to your energy? Iba ka nung nasa labas ka nung bahay ah. Muntikan mo na ngang ipagsigawan sa buong barangay na bakla ako eh.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cliche' nga. So what?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon