"Isang malawakang pag-papaalala sa lahat na mag-ingat at maging handa sa possibilidad na paglindol. Laging antabayanan ang bawat balitang aming ibabalita." Narinig ko ng pumunta ako sa opisina ng aking Boss"Sir? Aalis na po ako" pagpapaalam ko
Napatingin naman saakin si Sir "Ay Sorry, mag oovertime tayo Windy kasi madaming kailangan tapusin" at naging busy ulit sa panonood ng balita
"Ih kasi Sir, nag-aalala ako sa pamilya ko. Kailangan ko na pong umuwi lalo na't may mga nagsasabi sa social media na may naka predict daw na maraming mamamatay ngayong April 25, 20** sa oras ng 9:19 PM" pagpapaliwanag ko
Tiningnan naman ni Sir ang kaniyang pambisig na relo "Ah? Wag kang masyadong magpaniwala sa ganoon. Alas 7 y media na pero wala namang sinabi sa balita na may mangyayaring ganiyan Windy. Ang mabuti pa't kausapin mo't magpaalam ka sa pamilya mo. Sige na" ani sir. Tumango naman ako't naglakad palabas.
Dali dali naman akong tumungo sa aking table para matawagan sina Mama
Ring ring ring ring ring ring ring ring..
Nakailang ring bago nila sagutin "Oh? Anak? Nasaan kana?" Tanong ng aking Mama
Napahilot naman ako sa aking sentido "Ma? Pinag oovertime po kami ni Sir ngayon kaya baka late na ako makauwi. Wag niyo na po akong hintayin. Tyaka Ma, ingat kayo ahh. May kumakalat kasing balita na baka lumindol ng malakas kaya ingat po kayo" pagpapaalala ko
"Sige anak mag-iingat kaming lahat. Ikaw din" bakas ang nag-aalalang ani Mama
"Ma, tulog na sina Tatay?" Tanong ko
"Oo 'nak. Kanina pang alas syete" ani Mama
"Sige Ma, ingat kayo ahh. Si Kuya? Nakauwi na ba?" Tanong ko
"kanina pa anak. Sige na baka pagalitan ka pa't magtrabaho kana para makauwi kana rito. Ingat 'nak"
"Sige po" ani ko't ibinaba na rin ang cp. Nagsimula na akong magtrabaho
----
Isang malamig na gabi ang sumalubong sa akin nang makauwi ako sa aming bahay. Tila isang malamyong kanta ang katahimikan ng kapaligiran. Hindi ko maitatago ang paghanga sa dilim na aking nakikita. Tila tumigil ang aking mundo ng isa isang nagliwanag ang mga ilaw kasabay ng mga taong nagsilabasan mula sa kung saan saan. Magagandang ngiti ang kanilang sinalubong sa aking pagdating na animo'y nakakita ng isang sikat na tao.
"Bakit po lahat kayo naririto? Nanay(Lola), Tatay(Lolo) at aking kuya?" May bahid ng pagtatakang tanong ko. Isa isa ko rin silang tiningan't kita ang kislap sa kanilang mga mata.
"Apo ko, matagal na panahon na noong muli kitang makita. Napaka liit mo pa noon" bakas ang kasiyahan sa bawat salitang binitiwan ni Tatay at agad naman akong dumako sa kanila. Nakaupo ang matatanda at ang nagmamatanda na, ang mga pinsan ko naman na mga bata pa'y nakatayo lamang
Napangiti naman ako sapagkat naalala ko ang panahong iyon at lagi niya akong pinapagalitan dahil sa kakulitan ko.
"Tay naman, alam niyo naman pong noon pa man di na ako lumaki ehh" pagbibiro ko at nagsitawanan naman ang mga nasa loob ng aming bahay.
"Nako apo, di ka pa rin pala nagbabago ano? HAHAHA" ani Tatay na may kasunod na halakhakan
Napakasarap sa pakiramdam na kapiling mo ang iyong buong pamilya ang makita silang masaya na kasama't kausap ka. Walang hihigit sa salitang pamilya--pagmamahal na ibinibigay nila na walang papantay o hihigit na anoman o sino man. Sa piling ng Diyos nanjan ang salitang pamilya. Unconditional love, walang labis walang kulang.
YOU ARE READING
Ang Paggirumdom
HumorPamilya ang pinaka importante sa lahat---walang hihigit at papantay sa pagmamahal ng iyong mga magulang. Walang sinoman ang makapapalit sa kanila.