US 1

6 0 0
                                    

Haliya's POV

"Bitch, let's go! Ang bagal ah!" Natatawang napailing na lang ako nang marinig ko ang sigaw ni Cassandra sa akin. Madaling-madali kasi ang babaeng ito samantalang last day naman na ngayon ng Final Term at wala nang rason para matakot na ma-late tutal kukuha lang naman kami ng Class card ngayon.

"Ba't ka ba madaling-madali?" Natatawang tanong ko kay Cassandra habang patakbo ko siyang nilalapitan.

"May flight ako ngayon, bitch. At kailangan kong maabutan 'yon kung hindi maiiwan ako rito samantalang ang buong pamilya ko nagsasaya sa Hongkong!" Kasabay ng pagtinis ng boses niya ay ang pag-ikot sa ere ng kanyang mga mata kaya napahagikhik ako nang mahina na naging dahilan para bigyan niya ako ng isang matalim na tingin. "Masaya ka? Nakakatawa 'yon, bitch?" Sarkastikong saad ni Cassandra kaya mas lalo akong natawa. Napabuntong-hininga naman sa akin ang bestfriend ko. Napailing na lang ako.

"Easy ka lang kasi," sabi ko nang akbayan ko siya.

Hindi naman nagtagal ay narating na namin ang aming room. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng saradong pinto ng aming classroom. Sa gitna ng pinto na iyon ay may nakaukit na BSED-FL, pinaikling salita para sa aming kurso na Bachelor of Secondary Education major in Filipino. At ngayon nga ang huling araw ng aming Final Term para sa taong ito.

Binuksan na ni Cassandra ang pintuan at doon namin nakita na mukhang nag-aantay ng mga estudyanteng darating ang pinakamamahal naming chairperson ng College of Education, si Prof. Talus. Unang lumapit si Cassandra at umupo naman ako sa upuang malapit sa pinto. Medyo nagkaroon pa ng konting kwentuhan sina Cassandra at si Prof. Talus. Hindi ko naman iyon masyadong pinagtuunan ng pansin dahil hindi ko naman gawaing makinig sa usapan ng iba.

Ilang minuto rin bago natapos ang kanilang kwentuhan. Nginitian ako ni Cassandra nang makalapit na siya sa akin. "Ikaw na. Antayin kita sa parking." Nakangiting tinanguan ko si Cassandra. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng tuluyan sa aming classroom. Napabuntong-hininga naman ako nang makasalubong ko ang tingin ni Prof. Talus sa akin.

"Good morning, Sir." Bati ko sa kanya nang makaupo ako sa upuang nasa tapat niya.

"Binibining Sta. Maria," tumatango-tangong saad niya habang iniisa-isa ang mga class card na hawak niya at napangiti siya nang kunin niya ang isa sa mga class card na iyon na mukhang akin na. "You've never change," tiningnan niya ako at hindi ko mabasa sa kanyang titig ang nais niyang sabihin. "Sa loob ng tatlong taong nakasama kita sa pamantasan na ito, na naging estudyante kita sa loob ng anim na semestre sa iba't ibang asignatura, hindi ka nagbago. Nanatili kang magaling." Tila ako nabunutan ng tinik nang marinig ko ang sinabing iyon ni Prof. Talus. "Pagbati, binibining Sta. Maria." Kinuha ko naman ang inabot niyang class card.

"Salamat po, Sir." Tititigan ko na sana ang class card ko nang muli niyang kunin ang atensyon ko.

"Haliya," napatitig ako sa manipis na librong ipinatong niya sa lamesang nasa pagitan naming dalawa. Inusog niya iyon palapit sa akin. "Parang sa iyo ata ang aklat na ito."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unified SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon