Chapter One

8 2 0
                                    

Ria's POV

" Class 2 - 2 , Next teachers won't be attending your class because we have a surprise meeting. Please behave yourself! " sabi ng guro namin at kinuha ang mga gamit niya sa desk.

Pagkaalis niya ay nagsimula nang magingay ang mga kaklase ko. Jusme! Eto nalang yata ang free time namin.

" Buti naman at may free time tayo. Mamamatay na ako kakaintindi ng mga lessons! " reklamo ni Kisha habang naguunat.

" Oo nga. Nalalapit na rin ang exam at halos wala na akong tulog. Paano ba namang todo bantay sakin si Mama. " dagdag pa ni Andrea. Top Student kasi kaya't kailangan niyang mamaintaine ang grades niya. Siya lang din ang inaasahan ng pamilya niya dahil nagbulakbol na ang Kuya niya.

Habang naghihintay na lumipas ang oras ay nagkwentuhan muna kami. Class 2 -2 is divided by groups.

The Girls
Members: Yoona, Angel, Fiona, Jennie at Olivia.

Ang grupo ng mga babaeng makakapal ang mukha este ang mga kolorete sa mukha. Madalas silang mambully ng mga transfer students na babae pero minsan ay ipagtatanggol ka naman kapag inaway ka ng taga ibang section.

The Gangsta
Members: Leondale, Marcus, Sebastian, Ryle, Jeric, Jackson, Kyle at Yvan.

Ang mga low class gangster ng room. Hindi sila yung tipo ng gangster na mababasa mo sa Wattpad. Mga tambay lang talaga sila na mahilig manggulo ng araw mo. Pero maaasahan mo naman sila kapag kailangan mo ng tulong.

The Nerds
Members: Aliyah, John, Gerald, Moniya, Taki, Lisa, Maria.

Ang grupo ng obviously ay mga nerds. Hindi sila yung tipical na may sobrang makakapal na salamin at manang kung magsuot. Tahimik lang sila at madalas na magkakasama sa library. Mga Top students din ng klase at ang maganda sa kanila ang maaasahan mo sa oras ng exams. *winks*

The Announcers
Members: Lucas, Yuan, Paulo

Madalas na maingay sa klase. Mga Joker kasi kahit mga corny. Sila din ang taga bantay sa pintuan kapag may dadaan na Teachers. Si Lucas ang Class President namin na sagana din sa pagloloko. Masasayang kasama ang mga ito.

The Travelers
Members: Rein, Luna, Xyra at Yna.

Literal na travelers dahil madalas silang pumupunta sa kung saan-saan. Sa Kabilang section, Sa kabilang building, Sa Guidance at ultimo sa Director's Office. Bihira silang makita sa klase at sa pagiging travelers nila ay Sikat na sila. Mga nangungumpanya lang.

And lastly,

The Mix
Members: Ria, Kisha at Andrea.

Kami naman yung grupo na may halo halong characteristics. Minsan anghel kami pero madalas ogag kami. Jk. Si Andrea na top student sa klase, Si Kisha na may pagkamaldita at joker. Ako.. Ako si Ria. NBSB. At natatanging babae na ilag sa mga lalaki.

Makalipas ang tatlong bakanteng oras ay biglang sumigaw si Lucas.

" NANDYAN NA SI MA'AM LOPEZ. "

Kaya't agad kaming nagligpit ng kalat at inayos ang mga gamit namin.

" Class 2 -2 , Please listen. We will be having a new student. He will be a new face to you. " panimulang sabi niya.

" I'm counting on you guys. Please be good to him. " dagdag nito. " Come In "

Sabay sabay kaming nag-abang sa kung sino ang papasok sa pintuan. Pasuspence pa.

Maya maya ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Bored na bored lamang ang itsura nito habang hawak ang kulay itim niyang bag.

" I'm Rion Mendez. Please don't bother me. " aniya.

Natulala na lamang kaming lahat at nagulantang nang ibato niya ang hawak na bag sa bakanteng upuan sa likuran. Muntik pang sumabit sa ulo ni Sebastian ang strap nito at hindi ko alam kung matatawa ba ako o mananatiling nagulat lang.

Rinig namin ang malakas na buntong hininga ni Mrs. Lopez at sinabing sumaglit lang daw siya dito para samahan ang new student. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko dahil isa na namang free time! Uwian na rin kasi namin pagkatapos ng subject na to.

Kaagad lumapit sakin sila Andrea at Kisha.

" Hey, He's so cool right? " bulong ni Kisha habang sumusulyap pa sa likuran.

" Anong cool doon? Ang rude kaya ng ginawa niya! " tugon naman ni Andrea at naglabas ng chocolate bars. Hindi na ako nagulat dahil madami talaga siyang baon lagi na ganito. Sabi niya ay nakakatulong daw iyon sa pagpapasigla na utak niya. ewan ko ba.

" Uy uy uy! Tingnan mo! " aligagang tawag sa amin ni Kisha. Nilingon ko ang itinuro niya ang nakita si Sebastian na nakakwelyo sa Transfer Student. Walang nagtangkang umawat dahil wala namang nakagagawa noon kapag si Sebastian na ang nagsimula ng gulo.

Kapag sinubukan mo, baka ikaw pa ang masapak.

" Hey, Rion! Kagaya ka parin talaga ng dati. " nakangising sabi ni Sebastian kaya't nagtaka kami. " Wala ka paring kwenta. Patapon. " dagdag pa niya.

Tumawa lamang si Rion na nagpainis lalo kay Sebastian. What in the world is happening rn?!

" Don't make me fight with you, Sebastian. " tanging tugon nito ang marahas na inalis ang kamay ni Sebastian sa kwelyo niya pero agad din itong binalik ni Sebastian at umamba ng suntok.

Napasigaw nalang ang mga babae ng magsuntukan ang dalawa at ang ibang lalaki naman ay sinusubukang umawat pero madadamay naman sila kapag ginawa nila iyon. Todo tulak naman kami sa gilid para lang malayo sa kanila pero sa pagkakagulo ay naramdaman ko ang marahang pagtulak sakin.

*bog*

" RIA! " rinig kong sigaw ni Andrea.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally, I'm InloveWhere stories live. Discover now