Chapter One

1 0 0
                                    

Ismael

"What do you want from me!?"

Tanong ko sa kaniya habang masama ko siyang tinitingnan. Kanina pa kami ganito. Sinisigawan ko siya't pinagsasabihin ng mga masasamang salita samantalang wala namang bahid ng kahit anong emosyong makikita sa mukha niya.

"Ano? Hindi ka makasagot!?"

Tanong ko ulit sa kaniya habang pinipilit makaalis sa pagkagapos nila sa'kin pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Ramdam ko ang bawat pawis na tumutulo sa aking mukha habang pinipilit pa rin na makalaya mula sa pagkagapos nila sa'kin.

"Chill, brother--"

"Don't call me brother, you dumb fuck!"

I cut him off. Mas lalo lamang lumalala ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

How dare him call me brother after killing our very own father. Wala na atang hiya sa katawan 'tong gagong 'to.

"Ismael..." He sigh.

"...ginawa ko lang ang dapat."

"Dapat?"

Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Dapat bang gawin ang isang maling bagay? Dapat ba? Ha?!"

Mas lalo lamang sumasakit ang kamay ko dahil sa pinipilit ko pa ring makawala mula sa pagkagapos nila sa'kin. Alam ko na pulang pula na ang mukha ko sa galit at gustong gusto ko na talagang suntukin ang pagmumukha ng demonyong nasa harapan ko pero hindi ako makaalis sa upuang 'to.

"Napakagago mo, Alvin! Wala kang kwentang tao! Patayin mo ba naman sarili mong ama? Ha?! Wala kang kwentang anak!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilamon na ng galit ang buong sistema ko. Nanginginig ang mga laman ko at gustong gusto kong mawalan ng hininga itong taong 'to.

Pero kahit anong sabihin ko sa kaniya, wala ni kahit anong emosyong makikita sa mga mata niya. Kahit ano pang masasama't hindi kaaya-ayang salita.

How could he be this numb!

"Magalit kana sa'kin, Ismael, wala akong--"

"Talagang nagagalit ako sa'yo!"

"--pakialam. Pero tandaan mo 'to..."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at pinagpatuloy lang ang pagsasalita.

"Sa'kin mapupunta ang pera."

Hindi na niya ako inantay na makapagsalita at agad ding tumayo at nilisan ang silid at iniwan akong nagtataka.

Nalito ako sa mga huling salitang binitawan niya.

Pera?

Anong ibig niyang sabihin?

---

Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ni Alvin, ay pumasok ang isa sa mga tauhan niya at kinalagan ako.

Naandito pa din naman ako sa silid na ang tanging kasama ko lang ay ang maliit na lamesa.

Nilibot ko ang paningin ko't napatigil ito sa kaisa-isang bintana nitong kuwarto. Gabi na at kitang kita ko ang buwan mula dito sa mismong kinauupuan ko.

I sigh.

Biglang bumalik ang lahat ng mga hindi ko inaasahang pangyayari noong mga nakaraang linggo.

Bakit nga ba nagawa 'yon ni Kuya Alvin? Bakit nga ba na kaya niyang kitilin ang buhay ng sarili niyang ama?

Nakaka-inis.

Fight.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon