Ismael
I'm hungry. I can hear my stomach right now. Growling.
Wala akong kahit na anong dala ngayon, talagang sarili ko lang at kaluluwa.
Naandito pa din pala ako sa Nueva City, medyo malayo lang mula sa bahay ang lugar na pinagkulungan nila sa'kin. Ilang beses ko nang nadaanan ang building na 'yon pero never pumasok sa isipan ko na sa kuya ko 'yon. He owns that place, ayon sa pagkakarinig ko kanina mula sa mga tauhan niya.
Nandito ako ngayon sa daan, tinitiis ang init na dala ng sikat ng araw. I really don't have money here. Kahit piso.
Nueva is really Nueva. As usual, this place is busy everyday. Samu't saring tao ang makakasalubong mo sa daan. Ang nakapagtataka lang ay, kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao nakakasalubong ko dito.
What's with the looks?Kailangan ko pang sumakay sa Jeep ng 15 minutes bago maka-uwi sa bahay. At dahil nga wala akong pera, lalakarin ko ng kalahating oras papunta sa'min.
Ugh. Ayoko na.
Nabuhayan ako ng loob ng makita ko ang kaklase kong si Louise papasok ng 7/11.
I could ask for his help.
"Kuya, gusto mo diyaryo?"
Bago ko pa man mahabol si Louise ay hinarangan ako ng isang batang kalbo na may bitbit na maraming news paper.
"Kahit isa lang, Kuya. Wala pa akong benta ih."
Nilahad niya sa'kin ang isang news paper habang nakapuppy eyes.
Batang 'to oh.
Kung alam mo lang na wala rin ako kahit piso dito.
"Please, Kuya..."
Napakamot ako sa ulo at umaktong kumakapa sa mga bulsa ng pantalon ko.
"Nako, nawawala 'yong wallet ko, toy. Pasensya kana."
Napasimangot naman siya pero agad ding napalitan ang pagtataka sa mukha niya.
Nagpalipat lipat ang tingin niya sa hawak na news paper at sa 'kin. Nakakunot ang noo niya't parang may nais sabihin.
"Anong meron?" Ako na mismo ang nagtanong sa kaniya.
"Artista ba kayo, Kuya?"
Ako naman ngayon ang nagtaka.
Bumalik naman ulit ang titig niya sa hawak na news paper."Baka kamukha lang." He said, more on to himself.
Kamukha?
Kinuha ko ang isang news paper mula sa kaniya at alam kong nabigla ko siya.
Tiningnan ko ang kanina lang ay tinitingnan niya din.
The next thing I knew is my heart beating so fast and I can't barely breath. My eyes are widely open right now.
What the hell is the meaning of this?
"May-ari ng isang sikat na kompanya, ang Winely Company, sa Nueva City na si Mr. Thaddeus Aurillo ay natagpuang patay sa sarili nitong pamamahay. Ang suspek na tinuturo ng anak ni Mr. Thaddeus na si Alvin Aurillo ay ang kapatid niya mismo at sariling anak din ng ama, na si Ismael Aurillo na hangang ngayon ay nagtatago at malaya pa rin mula sa kamay ng batas. Hindi pa nalalaman kung ano ang motibo nito sa pagpatay ngunit..."
BINABASA MO ANG
Fight.
ActionThis story is, ah... I can't think of the right word to say but its obviously a, ah... negative one.