Shitposer

18 2 0
                                    

"Aha!"Sigaw ko ng may shitpost nanamang pumasok sa isip ko.

You read it right.I am the Ultimate Shitposer.Ewan nasisiyahan lang akong ipamahagi ang walang kabuluhan kong naiisip sa facebook.

Pero bago ko naisipang ipost ang nasa isip ko.Chineck ko muna ang last shitpost ko.Napangisi agad ako ng makita ang mga Reacts at Comments.

Cyron Dimawili posted...

" Ang daming tumatakbo sa isip ko, sana madapa sila."
108 reacts|73 shares

napangiti ako.Marahan kong pinindot ang mga nageacts at puros haha,sad at....at kaisa-isang like.Seriously?sinong walang emosyong nag like nito?Ang ngiting meron ako kanina ay napalitan ng inis.

Okay na kase straight Haha at sad na tapos sisirain ng isang Like?Like wtf?Kaya naman sa inis ko tinignan ko kung sino yung kinulang sa Emosyong nag like ng post ko.

Chiara De Montecillo

sya...sya nanaman?Teka nananadya na ata ito eh.Matagal ko na syang napapansing panay like lang sa mga Shitpost ko at ngayon naulit nanaman.

Noon diko pinapansin at pinababayaan ko lang pero dahil sa inis ko ngayon.Inistalk ko sya.Marahan kong tinignan ang profile picture niya kaso madilim ito at diko masyadong maaninaw ang itsura niya kaya naman nagtungo ako sa photos at doon...doon ko siya mas nakilala.

Bahagyang napamaang ang bibig ko ng makilala sya.Sabi na parang pamilyar ang pangalan niya.
Si Chiara..dati kong High School Classmate.

Gulantang kong inisa isa ang nga pictures niya at namangha talaga ako.Kung noon sobrang baduy nito pagdating sa pormahan,ayus at galawan eh ngayon sobrang nag improve siya.Yes gumanda sya at mas lalong na firm ang figure ng mukha niya sa bawat pictures.Malaki na ang pinagbago niya.

Pero maya maya pumasok  sa isip ko na 'teka bat nawiwindang na ko kakastalk sakanya?'Naiinis ako tama...naalala kong nandito pala ako para kwestyunin ang pag like niya.

kaya kahit gusto ko pa sanang tignan ang ibang post niya eh mas pinili ko nalang na ichat siya.

Me:
Hello miss?

Chiara is typing...
hmm..?

Me:
gusto ko lang malaman kung nananadya ka?

Chiara:
huh?

Me:
kinulang ka ba sa emosyon,at puro lang like ang nirereact mo sa mga shitpost ko?

Ang lakas ng loob ko...nakakaramdam nanaman kasi ako ng inis pero pag naaalala ko kung sino sya kumakalma naman.

Chiara:
seriously?Dahil lang dun?

Kung sayo wala lang yun,sakin meron..meron.

Me:
tss...

Chiara:
okay sorry...Anong masama sa like?

Me:
wala lang naman,pero sana matuto kang makisabay.

Chiara:
Hahahaha.Seryoso?Yaan mo next time.

at bigla nalang siyang nag out.Nakakaloko.Ewan pero ang sarap niyang ka chat.Noon namang high school kame di kame gaanong nagpapansinan.Medyo shytype din sya eh.

lumipas ang araw.Ipinagpahinga ko muna ang isip ko sa pagiisip ng maipopost.

Lagi ko na ding chinicheck kung naka online ba sya,I don't fvcking know.Pero ilang araw na din syang di nagool.
-----
Lumipas ang sabado.Naglalakad ako papasok sa isang mall pero sa kasagsagan ng paglakad ko,may pumasok nanaman sa isip ko.Yeah Shitpost men.

Kaya naman Habang lumalakad nasa  CP ang atensiyon ko.

Cyron Dimawili
Nagbebenta ako ng chocolate.buy one take me.

ShitposerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon