An Author's Dilemma I: That Mapua guy.

657 14 14
                                    

Dalawang buwan. Sa dalawang buwan na 'yan, wala na akong ibang naisip kundi ikaw.

Hindi talaga inisip eh. Naisip 'yung tamang salita para do'n.

Sino ba naman kasi'ng may sabing manggaling ka sa Mapua? Na hindi ka maputi? Na maging malambot 'yang buhok mo? Na madalas kang mag-moodswing kagaya ko? Na 'di ka focused sa pag-aaral? Na magka-dimples ka?Na maging maka-Diyos ka? Na maging sporty at physically fit ka? Na maging magaling ka sa pagguhit? Na sumalungat ka sa mga opinyon ko't pananaw ko sa buhay? Na hindi ka mahilig sa mga babae?

Ang hirap-hirap na nga ng standard ko sa isang lalaki, pinakyaw mo pa lahat. Leche. Leche ka.

Ang ganda na nga ng pagpasok ko sa kolehiyo eh. Masaya. Maayos. Marami na agad akong nakilala no'ng unang araw pa lang. Ang laki ng respeto ng mga taong nasa paligid ko. Ang tino-tino ng imahe ko. Perpekto 'yung simula ko do'n.

Tapos dadating-dating ka. Late enrollee tapos nasa pangalawang block sa mga unang nakapag-enroll. Ang ganda rin ng regalo sa'kin nitong Tadhana na 'to sa unang linggo ko sa kolehiyo, eh 'noh? Pakyu, Tadhana. Pakyu ka talaga.

 

Magaan naman talaga 'yung loob ko sa'yo. Kasi nga, matanda ka sa'kin, sa'ming lahat sa block. Ang laki ng respeto ko sa'yo.

Hindi naman siguro ipinagbabawal na humanga sa'yo, di ba? Pero wala namang nakaaalam, eh. 'Di mo naman siguro mahahalata.

Pero, ano'ng sinabi mo? Gusto mo 'yung personalidad ko? Talaga? Sige. Ayos lang naman. Malay ko ba naman kasing may mga gano'n palang mga lalaki. 'Yung tipong trip ang mga prangka, ma-opinyon masyado, malawak ang pag-iisip, mayabang, moody, magaslaw, at maalalaking umastang babaeng katulad ko.

Akalain mo 'yun?

Pero, sige. Pagbigyan. Malamang ang ibig sabihin lang no'n eh magiging malapit tayong magkaibigan at hindi ako mahihirapang makisalamuha sa'yo.

Kaibigan. Pinayuhan kita bilang kaibigan no'ng niyaya ka ng mga kaibigan mong mag-pep squad ulit. Putcha. Eh do'n nga nagkalintik-lintik 'yang buhay mo tapos magau-audition ka na naman do'n?! Aba, niloloko mo yata sarili mo, eh.

Napagaan ko loob mo. Sabi mo, parehas na parehas tayo. Sabi mo, crush mo ko dahil dun. Sabi mo pa, compatible tayo.

Sabi mo rin, maaalalahanin ako. Nagsimula 'yun sa lintik na pep squad na 'yun; 'Di ko na mapigilan 'yung sarili kong alalahanin ka. Magkaibigan kasi tayo, di ba? Natural naman sa'kin ang mag-alala sa isang kaibigan, hindi kasi matiis ng konsensiya ko.

Pero ba't gano'n? Kaibigan lang ba talaga turing ko sa'yo?

'Di ka na maalis sa isip ko. Ikaw nalang ang lagi kong naiintindi. Ikaw. Puro ikaw.

Dumidistansiya ka na ngayon. Ramdam ko. Ramdam na ramdam. Ang hirap. Sana baligtad nalang. Sana no'ng una pa lang, ganyan ka na sa'kin. Sana 'di nalang tayo naging magkaibigan.

O kaya naman 'yung kabaligtaran. Kung wala ka sanang sinabing nagpadiin sa'kin sa'yo, sana magkaibigan pa rin tayo. Oo, alam ko. Nakakailang na masyado. Alam kong hindi na tayo magkaibigan. Ayon naman 'yung katotohanan, eh.

Pero, sayang. Nakakapanghinayang talaga. Sana masaya tayo. Sabay nanloloko, sabay nagpapatawa, sabay nang-aasar, sabay nagpapakabata, sabay nagpapaka-matured. Pero asa ka pa, asa pa ako, asa pa sila. Huli na ang lahat eh.

Mahal na kasi kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Author's Dilemma I: That Mapua guy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon