019 // ayen's

1.4K 74 6
                                    

ayen wang's

Pangatlong araw ko na sa part time ko. Sa convenience store lang naman ako nagtratrabaho tsaka malapit lang sa YG. Kaya dito na ako dumederetso pagkatapos ng school.

Gabi na ngayon at bored na bored na ako, bawal pa naman magcellphone kapag work hours ko. Mamayang 9 pm pa naman out ko.

Biglang tumunog 'yung bell sa entrance sa store, sign na may customer.

"Good evening po! Welcome—" GAGI.

SI JUNKYU, 'YUNG PUMASOK.

Nakasuot siya ng white long sleeve na polo. Ang gwapo naman.

Tinitignan ko lang siya na kumukuha sa mga cold beverages. Kumuha siya ng isang soda tapos lumapit na siya sa counter kung saan ako nakapwesto.

Ang bango niya.

Nagkatinginan kami bigla tapos naalala ko hinihintay niya pala na mabayaran niya 'yung binili niya. Kaya nataranta ako na nabitawan ko 'yung soda na bibilhin niya.

"Sorry." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang."

Is this real? Nagreply siya sa sinabi ko?

Nabitin ako nang lumabas na siya sa store kaya nalungkot ako.

Dumaan ka ulit dito, Junkyu hehe. Gaganahan ako pumasok lagi.

load | junkyuWhere stories live. Discover now