Sa labing dalawang buwan sa isang taon ako'y napaisip sa kakahintay kung ano na ang gagawin ko, dahil sa mga pangyayari. Lubos akong nasaktan dahil nawala na ang aking mga mahal sa buhay. Nakaramdam ako ng pagmanhid sa aking paa kaya'y umopo ako sa pinakamagandang bato na nakita ko. Nakatulala ako ngayon sa magandang tanawin na sa aking paningin ito'y kaakit-akit.
Nalanghap ko ang simoy ng hangin ang sarap sa pakiramdam ito'y nakakaginhawa sa kalooban.Ilang minutong nakalipas may narining ako, isa itong hagulhol ng boses lalaki? Kaya'y nagtaka ako at palinga-linga para makita ko siya. Nung nahawig ko na ang kanyang mukha dali-dali akong tumakbo para lumapit sa kanya para magsabi ng "Ilabas mo lang yan". Nagtaka siya kaunti at patuloy parin sa pag-iyak. Ipinatong ko ang kanan kong kamay para siya'y patahanin, pero bigla siyang huminto sa kakaiyak.
At may gumuhit ito na isang ngiti na labis na ikinaginhawa ng aking damdamin. Bigla siyang tumayo at sinabi sa kanyang mga mata sundin ko siya. Kaya'y hinayaan ko nalang na siya'y naglakad papunta sa batong aking iuupoan. Hinayaan ko nalang ito, dahil galing pa ito sa pag-iyak, kahit ngumiti pa siya may linya paring lungkot sa kanyang mga mata klarong klaro na iginuhit. Ibinuka niya ang malarosas na bibig at sabay sabi na "Itong Bato".
Sa pagkarinig akala ko ano, pero binigyan pala niya ng paksa. Tumingin ulit siya sa akin at ipinahiwatig sa kanyang mga mata ito una naming pagkikita at aming pagkakaibigan. Tinignan ko siya ng malaking patanong sa mukha, pero isinagot lang niya ay isang guhit ngiti. Doon mas natitigan ko pa siya at binigyang pansin ang kanyang mukha. Siya'y maputi't makinis ang balat. Sobrang kahawig ang kanyang mga ngiti sa araw kung iyo'y masilayan.
Maganda ang ngipin at ito'y pantay sa kanyang ilong ito'y katamtamang taas na nagbigay ganda sa kanyang mukha. Gaya ng sinabi ko kanina may malarosas na bibig at ang kanyang mata ay singkit pero malaki ng kaunti. Matangkad siya at kulay abo ang kanyang buhok. Hindi sa kanormalan na iyong nakikita. Dito nagsimula ang magagandang araw na nangyari at simula na akong dinalaw araw-araw dito sa batong lagi kong inuupuan.
BINABASA MO ANG
Itong Bato (COMPLETED)
Short StoryHindi talaga nawawala sa kwento na may mangyayari. Alam na natin ito, dahil tao tayo na namumuhay sa mundo. Tayo'y nanghiram lang ng buhay para mabuhay. Sa aking naitukoy hindi natin pag-aari ang mundo, dahil ang nag-aari nito ang hari ng langit. K...