Isang araw siya 'di na muling dumalaw at hinintay ko siya araw at gabi hanggang lumipas ng buwan. Ipinagdasal ko sa Dios sana makaabot pa ako na makita ko siya sa huling sandali. Ayaw ko kasi huli na ang lahat na makita ko siya at mabalitaan ko nalang sa iba wala na siya. Nanghihina na rin ako sa kakahintay sa kanya, dahil sa luksang paghintay sa kanya pero di ako nawalan ng pag-asa.Mas dinoble ko pa ang paghintay sa kanya sinabi kong maghinay ako magdamag walang labis, walang kulang. Sa mga araw na dumating hindi sinayang ang araw sa kakadasal at minsan na ring pupunta ng simbahan tapos bumalik sa batong lagi kong inuupuan. Sana lang talaga sa pagpikit ko ng isa, dalawa, tatlo sana nandyan na siya. Pero wala parin akong nakita kahit anino o amoy man lang. Pumikit na naman ako para magbilang isa,dalawa, tatlo. Ako'y nangiyak na naman dahil wala talaga.
Hanggang dumating araw na labis ko pang paghihintay sa kanya. Nakita ko siya may dalang bulaklak ng rosas at tulip. Tapos nagtaka ako sa kanyang isang kamay may dala siyang makahiya na halaman may bulaklak din. Kumikislap ang aking mga mata sa aking nakita at dumaloy din ang tubig sa aking mga mata at naramdaman ang handi sa mga nakikita.
Nasasaktan ako sa aking nakita siya na ay buto't balat. Para natusok aking puso hindi dahil may iba siya kundi dahil anyo niya ngayon. Kilala ko rin siya sa mukha kahit nagkaganyan siya at sa masarap niyang amoy. Tumakbo na ako papunta sa kanya lahit ako'y nahirapan na rin. Kakayanin ko ang lahat para lang sa kanya hanggang kaya ko pa.
Siya lang ang taong minahal ko ng todo mas labis pa sa aking sarili, kahit man sinabi nila na unang mahalin ang sarili wala parin akong pinapanigan sa mga salita na iyon. Ibinuka niya ang kanyang bibig at doon naalala ko lahat ang una naming pagkikita. May sinabi siya pero ang hina na ng kanyang boses pero narinig ko ito. Ito'y "Namiss kita" at inabot ang bulaklak sa akin siya'y nakangiti.
Natumba siya kaya mas lumapit ako sa kanya naramdaman ko ang hininga niya pero pahina ito ng pahina. Muling nagsabing "Itong Bato".
BINABASA MO ANG
Itong Bato (COMPLETED)
Historia CortaHindi talaga nawawala sa kwento na may mangyayari. Alam na natin ito, dahil tao tayo na namumuhay sa mundo. Tayo'y nanghiram lang ng buhay para mabuhay. Sa aking naitukoy hindi natin pag-aari ang mundo, dahil ang nag-aari nito ang hari ng langit. K...