"... I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason."Mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki habang dinadama yung linya na ina-acting nya kahit wala namang lumalabas na luha.
*cringgggg~ cringgggg~*
Rinig kong panay ring yung cellphone ko sa bulsa, bakit may tumatawag ngayon?! Hindi ba neto alam na may trabaho ako ngayon at sobrang nakakaistorbo sya?!
Inis akong napa kapa sa phone ko sa bulsa at napataray namang pinindot sa ang low button ng volume.
Nagriring pa rin pero vibration nalang naririnig ko,
Bago pa man ako makatingin sa doon sa nagaaudition ay text message naman ang bumulabog sakin.
"Aishh!" kunot noo kong pinagpapadyak yung paa ko dahil sobrang nakakaistorbo 'tong bwisit na caller na to. Kinuha ko nalang talaga yung phone ko at tinignan yung message at kung sino yung tawag nang tawag.
From: Manager Dy
06/20/2012 (10:45 am)Umuwi na galing states ang pamilya mo! Hindi nako makakapagpaliwanag sa text dahil katabi ko lang si Mrs. Hart ngayon!!!
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Gosh! Bakit sila nandito?! Bakit hindi nila ako sinabihan na umuwi na pala sila?!What the heck--- anong gagawin ko ngayonnn huhu.
Habang naghahanap pa ko ng tiyempo para makaalis, napatingin naman ako kay direk na seryosong-seryoso na pinagmamasdan ang nagaaudition sa harapan. Sa tingin ko naman ay may potential tong lalaking to, pwede na pagtiyagaan.
Sorry direk pero kailangan mo nang gawing artista 'tong nasa harapan natin para makaalis na ko!!
"O bakit nga?! Bat hindi mo sinabi sakin ang totoo----"
"Okayyyy, CUT" putol ko sa kanya sabay slow clap lang at pinakita ko nalang na proud na proud ako.
"Very very good... Tanggap ka na! Congrats!!" papuri ko pa sa kanya. Tumingin naman ng masama sakin si direk na may pero wala na kong pakialam pa. Kailangan kong abutan yung pamilya ko! Alam kong ugaling-ugali ni mama na magpakita sa mga media dahil kuhang-kuha nya ang mga atensyon nito.
Hindi ko naman na narinig na nagthank you si actor' na ngayon dahil dali-dali kong kinuha yung bag ko pero bago pa man ako makalabas nag peace sign naman ako kay direk na umuusok na ang ilong sa ginawa ko, alam kong di nya palalagpasin pa 'to. Hayyy, kasi naman eh bakit biglaan! Wala tuloy akong magawa!
Tumakbo nalang ako papalabas baka kasi doon pa magpasabog ng usok si direk! Alam nyo yun? Parang dragon kaya sya kung magalit. Nakakashokot!
Habang tumatakbo ako nilalabas ko na rin yung cellphone ko para tawagan si manager Dy kung saan ko sila pupuntahan.
Hindi naman ako nahirapan sa pagbukas dahil wala namang password yung phone ko. Just incase na may emergency like this diba! Well~ brainy lang at inaalala yung future na magyayari, and besides sobrang tamad ko sa kahit anong gawain pero syempre except sa trabaho ko no! Duhhh.
Btw, I'm Natalie Hart. Oh! Unang tingin pa lang sa surname ko ay sure ako na paghihinalaan nyo ko na mapagmahal, yeah! Well sa palagay ko ay hindi. Madami na kong pinagdaanan na pagsubok at napatagumpayan ko ito nang walang kinikilalang pagmamahal. Kahit sa magulang, kapatid and what-so-ever ugh! Masasabi ko naman na lahat nang katangian ng ginugusto nila ay nasaakin na. Even money, family, fame, looks and everything!
Hindi talaga ako tumitigil sa pag takbo dahil sayang oras! Jusko! Nakaheels pa naman din ako. Urghh #StruggleIsReal
*cringggg cringgggg*
Wala pang 5 seconds ay sinagot naman na ni manager Dy. Siguro kanina pa sya naghihintay sa tawag ko.
"Ano nasaan na kayo! Nasaan si mama?!" nagpapanic kong sabi kay manager Dy. Kanina pa ko tumatakbo dahil ang layo pa ng pinagparkingan ko jusme wala kasing parking lot dito sa studio kung saan kami nagpa-audition. Big event din ito kaya madaming tao ngayon. Yumuyuko nalang ako habang tumatakbo para hindi ako mapansin ng mga tao.
"Papasok na kami sa condo mo kanina pa pinagkakaguluhan sila Mrs. Hurt at ang mga kapatid mo. Bilisan mo nalang ang paunta dito!" sabi ni manager Dy sa kabilang linya.
"Mrs. Hurt kailan pa po kayo nakabalik dito sa Pilipinas?"
"Nakipagbati na ho ba si Natalie dahil sa usap-usapang hindi ninyo pagkakaunawaan?"
Ang ingay at naririnig ko ang mga sigaw ng media, mukhang pinagkakaguluhan na nga sila ngayon! Shocks--- baka ano nanamang sabihin ni mama!
"S-sige hintayin nyo nalang ako---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil narinig ko na na nagsalita na si mama, alam ko na mga reporters din ang kausap nya.
"Hahaha! Ano ba kayo! Actually hindi pa talaga kami totally okay ni Natalie, alam nyo naman na medyo may pagkatigasan talaga ang ulo nya. Kaya sa mga nanonood nito lalo na sa mga bata, huwag nyong susuwayin ang utos ng mga ina. Pagpasesyahan niyo na kung hindi sya naging mabuting modelo sa inyo----" binaba ko nalang ang phone at nilagay nalang sa bulsa dahil ayoko nang pakinggan ang mahabang speech ng nanay ko na daig pa ang presidente sa pagpapangaral ng mga dapat gawin. LOL.
"Urrrgh kainis!" pagmumukmok ko! Hindi ko na talalga mapigilan eh. Gusto nya ba talagang sirain ang career ng anak nya? Gosh.
Buti nalang wala na masyadong tao dito at nakalayo-layo na ko. Malapit na rin ako sa parking lot.
Natanaw ko na yung kotse ko sa di kalayuan kaya mas binilisan ko pa ang takbo.
"A-arayy ko!" reklamo ko nang mapasubsob ako sa simento. Bwisit to ah alam na nagmamadali ako bakit hindi sya tumabi sa dinaraanan ko!
Hindi talaga ako magdadalawang isip na sumigaw, ang swerte ko nanaman dahil walang tao sa parking lot. Dito lang ata ako sa lalaking to minalas at hindi ko papalagpasin to! Humanda ka sakinn!! GRRR. "Ano ba yan ha bakit hindi ka umiwas! Ang luwag-luwag ng daan oh hindi mo ba ko nakikilala---"