Her

3 0 0
                                    

Just Like That

Dane's POV,

"Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita eh"

Nabaling ang pansin ko sa lalaking umupo sa tabi ko. Hindi na ako nagulat pa na nahanap niya ko. Sa pitong taon ba naman na magkasama kami eh halos mas kilala niya pa ako kesa sa sarili ko.

Tuwing may magtatanong kung anong pangalan ko siya ang sasagot. Tuwing may magtatanong kung saan ako nakatira siya ang sasagot. Tuwing may magtatanong kung may boyfriend na ako siya ang sasagot. Eh sana pala yung nga tanong sa test eh siya na rin sumagot para sakin. Lalo na sa chemistry. Send help :<

"Bakit ka nandito"

Nakasimangot na tanong ko sa kanya pero paniguradong alam niyang nagpipigil lang ako ng ngiti.

"Sauce, nadapa kasi ako kanina dahil sa kakaisip mo sa akin"

Proud na sabi niya habang walang awang sinasaktan ang mga inosenteng damo dito sa likod ng eskwelahan. Dito kami madalas tumambay. Kasama namin yung mga alagang kalabaw at kambing ni Mang Tomas.

"Para kang bakla"

Natatawang biro ko sa kanya. At ang loko nainis na naman, parang di na nasanay. Sabagay ako lang naman nagbibiro  sa kanya ng ganun dahil kung iba raw siguro magbibiro sa kanya nun eh baka masuntok niya. Best friend privilege raw hshshshsh. Best friend.

"Tsk. Sabihin mo nalang kasi kung gusto mo ng kiss ko di yung dinadaan mo pa ako sa para kang bakla achuchu na yan"

Natawa na naman ako. Hanep may pa achuchu ang loko. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya sabay pikit ng aking mga mata.

Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya pero di man lang ata siya nasaktan. Nagawa pang tumawa eh. Immune na ata.

"Magtatampo sana ako sayo kasi di mo ko niyaya dito. Diba sabi ko pag mag e-emo ka dapat kasama ako? Sino nalang magpapahiram ng panyo sayo kapag iiyak ka buti sana kung nagdadala ka eh hindi. Tigas ng ulo mong bata ka. "

Nanermon na naman si Chrisostomo.
Chris kasi pangalan niya kaya minsan tinatawag ko siyang Chtisostomo para inisin.

Napangiti nalang ako kasabay ng pagdaloy ng mumunting butil ng luha sa aking mga mata ng maalala ko ang kalagayan ni Papa. Di ko na napigilan. Masyado na silang madami kaya nagtutulakan na palabas. Wala nang space, i format ko na kaya?

"Kung minamalas ka nga naman! Naiwan ko panyo ko sa bag! Pano na yan?!"

Walang ano-ano'y hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. Ano yun?! Wala man lang pasabi?! Teka naman yung puso ko. Awat muna.

Napatitig ako sa kanya. Na sana pala hindi ko nalang ginawa. Wrong move ka Dane. Sobra. Nasaan na yung sinabi mo noon na hinding hidi mo hahayaang mahulog ka da kanya.Na hinding hindi ka lalagpas sa kung anong label niyong dalawa. Best Friend kayo. Best Friend.
May pa taas-taas ka pa ng kanang kamay mo sa harap ng salamin sabay sabing

"Ako, si Dane Rivero, best friend ni Chris Garcia, na pinapangakong kailanman ay hinding hindi magkakagusto sa loko-lokong best friend niya."

Teka hindi ko naman diya gusto eh....... Mahal ko na ata. Mali mali erase erase. Hindi pwede. Ayokong masira pagkakaibigan namin ni Chris. Hindi ko sasayangin ang pitong taon para lamang sa ikasasaya ng puso ko. Dapat makuntento na ako sa kung anong meron kami diba? O hindi?

Naguguluhan na ako.

"Tahan na shhhh. Wag kanang umiyak baka may makakita sa atin tas isipin umiiyak ka dahil binusted kita."

"Kapal talaga"

Hanep! Dahil lang dun napangiti na niya ako ng walang kahirap hirap. Pero sapul ako dun ah. Binusted pa talaga.

ahahhahahsakithahahaha.

"Wala eh. Gwapo ko eh."

"Takot naman sa daga"

"Ay walang ganyanan baka gusto mo sabihin ko na takot ka rin sa - --"

"A E I O U! Tumigil ka nga loko! Pag may nakarinig sayo naku sinasabi ko Chrisostomo"

"Chrisostomo Chrisostomo! Susumbong kita kay mommy anng ganda ganda ng pangalan ko nilalapastangan mo!"

Hindi lang naman pangalang mo ang maganda eh, maging pagkatao mo kaya nga nabihag mo maging ang puso ko. Corny yak.

Pero Chris, sana kung wala ka naman planong samahan ako sa bilangguan eh pakawalan mo nalang ako.

Teka may mali.

Napaisip ako, hindi naman pala siya ang dahilan kung bakit nakakulong ako, dahil ako mismo ang siyang may kasalanan. Ako ang nagpasok sa sarili ko sa sitwasyong ito kaya ako lang ang may kakayanang palayain ito. Pero malabo na ata. Masyado nang kumplekado ang lahat.

"Sauce"

Panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

"Gaya-Gaya"

"Loko-loko"

And just like that, he made me smile . Just like that, he made me forget all the negative thoughts that i have. Just like that,I'm falling once again. And deymn, this is bad. So freaking bad.

Cause I'm falling alone. And he's not there to catch me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Like ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon