The Eyeglasses

355 3 3
                                    

I was third year highschool when our optalmologist adviced me that I need to wear an eyeglasses because of 2nd stage migraine. I got it from spending of hours in front of computer. Yes. I am a self-confessed computer geek.....and also a hard-headed person. So, sa madaling salita, di ako nagsalamin. Sagabal pati yun sa paglalaro ko ng basketball. I was also part of our basketball team sa school. Yun ang first love ko. Second ang computer. Doble ang register ng tingkad ng colors na pumapasok sa mga mata ko compared sa normal na mga mata ng tao. Sabi nung doctor, when I reach stage 5, it may take to blindness na daw. Di ko sineryoso. Matigas nga ang ulo ko eh.

Madalas akong biglang nahihilo kapag biglang lingon. Kapag tumatama sa mga mata ko ang ilaw na nagmumula sa mga sasakyan sa kalsada, nakakaramdam din ako ng hilo. Darn! Mukhang I really need to wear glasses na. So I went back sa optalmologist and got my first eyeglasses. Kaso parang alangan akong isuot yun sa school. Baka isipin ng mga classmates and friends ko, pa-genius effect lang ako. For sure, aalaskahin ako ng mga teammates ko sa basketball. So I decided to wear it na lang kapag nasa bahay ako. Tutal naman, 6-7 hours lang ang itatagal ko sa school. So ayun nga. Medyo umayos naman ang mata ko. 

When I went to college, siguro 2 weeks bago matapos ang 1st sem, I broke my glasses because of an accident.

One of my blockmate asked me to join them on a joyride. Since I had nothing to do, sumama ko sa kanila. We went to Antipolo for an over looking trip. Ang ganda pala dun. Tapos kumain kami sa Balaw- Balaw Restaurant sa Angono Rizal. Puro exotic foods and nandoon. Pauwi na kami, mga 7:30 siguro yun. Nagyaya yung isang classmate ko to have a few shots. Napasarap ang kwentuhan namin. 1:37am na pala. Medyo tipsy na din ako. Niyaya ko na silang umuwi. Lasing ang isa naming classmate. Nasa kotse kami, medyo mabilis ang takbo ni Aimee. ( ang may ari ng kotse) Tatlo lang kaming gising. (We were 5 on that road trip) "Aims, dahan-dahan naman. Gusto ko pang abutan ng birthday ko next week." sabi ni Nini na katabi ni Aimee sa harap. "Relax ka lang. Mabagal pa nga 'tong takbo ng kotse ko eh. Saka ang luwag-luwag ng daan oh." si Aimee na nagsindi ng yosi. 

BLAAAAAAAAGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!

Everything went black. 

Di ako makagalaw. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Masakit. Masakit ang katawan ko. Nakita ko si ate at kuya na nakaupo sa may gilid at nanonood ng tv. Umungol ako para marinig nila ko. Tumayo agad si ate. Tumawag naman ng doctor si kuya. "Kamusta?" tanong ni ate. Di ako sumagot. Pilit ko pa rin inaalala kung anong nagyari habang ang doctor ay may kung anong pinapakinggan sa dibdib ko.  

Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ko. 

"BLAAAAAAAGGGGGGGGGG!" nagising ako sa pagkagulat. "O, nananaginip ka ata." si kuya na nakita kong kumakain. "Nagugutom ka ba?" dugtong nya. Umiling lang ako. Unti- unti kong naalala ang mga nangyari. Nabangga kami ng truck na basura na galing sa kaliwa ni Aimee. Mabilis ang takbo namin parehas. Ano ang nangyari sa mga kaibigan ko? "Kuya... n-nasan sila Aimee?" tanong ko sa kapatid ko. Hindi sumagot si kuya. Tumayo siya at nilapitan ako. "Matulog ka na. Masama nag iisip sayo ng kung ano-ano." Kinulit ko siya. Napayuko si kuya at nagsimulang magkwento. "Ikaw lang nakaligtas. Sa gitna ka kasi nakaupo kaya dumagan sayo ang katawan ni Belai." Naalala ko, nasa kaliwa ko si Belai at kanan naman si Anna. "Dead on the spot si Aimee at Belai. Si Nini at Anna sa hospital na namatay after an hour ng maisugod kayo dito." dugtong ni kuya. Nagsimulang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Nakaramdama ako ng takot at awa para sa mga kaibigan ko. Nakatulog akong umiiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The EyeglassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon