BATA

6 0 0
                                    

  Ako si Claire Banitez, 30yo, kasal may dalawang anak na lalake. Isang 7 y.o at isang 2y.o.
Isa akong public teacher, napunta ako sa isang baryo. Magdadalawang taon na ako sa eskwelahan na iyon. Malayo siya sa aming bahay kaya kailangan kong ipaalaga sa aking byenan ang bunso kong anak. Parehas na may trabaho ang mga magulang ko gayon din ang aking asawa.
Lunes hanggang byernes ganon ang routine namin, ihahatid namin ang panganay kong anak sa kanyang skwelahan, tapos ihahatid ako at ihahatid ang aking bunsong anak sa aking byenan. Sa hapon susunduin ng asawa ko ang panganay ko susundin ako at saka namin susunduin ang bunso kong anak.

Bilang ina pag may pagbabago sa mga anak alam na alam natin. Nangyari ito simula ng isinama ko ang aking bunsong anak sa akwelahan na pinagtuturuan ko. Hindi ko na maalala kung anong eksaktong arae basta nagpunta kami sa skwelhan non ng asawa ko at ng bunsong anak ko, may dala kaming kurtina upang ikabit.. Habang nasa loob na kami ng skwelahan napansin ko ang anak ko na may itinuturo. Pero hindi namin pinansin ng asawa ko yon. Meron siyang specific na part na tinitignan pero wala kaming alam. At wala naman ibang tao o kung ano man para may tignan siya don at ituro.

Hanggang sa naulit ng na ulit. Sa twing kasama namin ang bunso kong anak meron siya laging itinuturo, meron siyang tinitignan na di namin alam.

Magbabakasyon na nuon para sa undas. Nagpasya akong pumunta sa eskwelahan nuon dahil aayusin ko ung lamesa ko..papalitan ko ng cover. Again, kasama ko ung asawa at anak kong bunso, ung panganay ko nasa school niya dahil may pasok pa sila non. Hinding hindi ko makakalimutan ung araw na iyon, huwebes ng alas kwatro ng hapon ng bigla nagsalita anak ko. Naglalaro siya nuon sa harap ng class room na pinagtuturuan ko, bulol ang anak ko pero maiintindiha mo malinaw na mlinaw sa amin ng mister ko ang sinabi niya "MAMA AYUN BATA, PANET MUMU."
Kinilabutan kaming magasawa at nagmamadali kaming nagligpit at lumabas na at naglakad. Ang sabi ko nalang nung malapit na kami sa gate "MAIWAN KA NA DITO WAG KA NG SUMAMA SA AMIN." Halos lahat ata ng balahibo sa katawan ko nagtayuan. Pero nung nakalabas na kami ng eskwelahan nawala kilabot namin magasawa.

Ilan buwan lumipas habang nagkaklase naman ako, biglang nagmamadaling nagpasukan ang mga kindergarten students kasama teacher nila sa classroom ko dahil magkatabi lang nman. Takot na takot silang lahat.
Nagkwento ung teacher na ung isang estudyante niya, biglang tumayo at yumakp sakanya hindi naman daw sweet ung estudyante nyang un at ang sabi daw

"MAY BATA O PANGET.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHORT HORROR STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon