Chapter 1

10 1 0
                                    

Ybañez compound. Ito ang eksaktong lugar kung saan napadpad si Jose Marie Borja Viceral na matatagpuan sa lungsod na pasay.

"Manang, may alam po ba kayong paupahan na kuwarto dito?" Marahan niyang tanong sa isang ale na abala sa pakikipag kwentuhan sa mga kapwa nito nanay.

" Ano 'kamo?"
"kuwarto pong paupahan, baka may alam kayo?" Ulit niyang sabi na nairita dahil bahagyang inilapit ng babae ang bibig nito, dahilan upang maamoy niya ang malansa nutong hininga.

"Aba, meron! Yun nga lang mga bituing walang ningning ang mga magkakasama mo. Pero huwag kang mag-alala, mayroon isang lalaki boarder doon."

"Saan po yon?"
"Diyan, pumasol ka sa may looban, pagkatapos kumaliwa ka at pag nakita mo ang bahay ni Rosalinda 'yun na 'yon," malakas na sabi ng napagtanungan.
"Sino po si Rosalinda?"
"Iyon ang may-ari ng bahay, tig-iisang kuwarto ang mga boarders doon kaya lang salu-sali sa CR pero maayos naman! Mabuti pa siguro dooan ka na magtanong nang marami kang malaman."
"Sige po, salamat."
"Walang anuman. Maigi kung dito ka na makakatira nang magkaroon naman kami ng mukhang taong kapitbahay," sabi mg ginang na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.
Nakuha naman agad ng binata ang tinutukoy na paupahan. Isa itong malaking bahay na may tatlong palapag, bagong pintura at may sarili ring gate. Kaya hindi iisipin na maaring delikado dahil makhang maayos naman ang istruktura.
"Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong sakanya ng may-ari na nagpapakilalang si aling carmen.
"Opo."
"Bueno, ito ang magiging silid mo. Dalawa kayo riyo. Si bong ang makakasama mo. Iyong ibang kuwarto naman may mga laman rin, karamihan dito mga dalaga at kami naman doon sa first floor. Isa lang ang anak ko, lalaki. Ang asawa ko naman nasa canada." Paliwanag ng may-ari hanang pinagmamasdan niya ang magiging silid.
"Ganon po ba."
"Dito sa amin magtatagal ka kung marunong kang magbayad nang maayos, wala ring problema sa mga kasamahan. Kung may reklamo ka sabihin mo na agad at ako ang aayos. Anim na raan kada buwan ang bayad. Kung gusto mong nagpaluto sa akin ayos rin 'yon dahil idadagdag ko sa upa mo ang mga kakainib mo. Kung gusto mo ring magluto kayo ng sarili niyo. May kusina rito, kumpleto sa gamit. Pwedeng gamitin ng kahit sino. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo."
"Magaling! Ano nga pala'ng pangalan mo."
"Uhhm, Vice po!" Sabi niya na hindi sinasabi ang tunay na pangalan.
Kilala kasi sa larangan ng negosyo ang kanilang pamilya, at tiyak kahit paano ay matutunungan ni aling Rosalinda na isa pala siyang mayaman kung sasabihin niyang isa siya Borja-Viceral.
"Sige, Vice. Ngayon ka na ba lilipat."
"Opo."
"Kung ganoon, kailangan mong magbigay ng two months deposit. Two months advance."
"Wala pong problema." At inabot niya ang kabuuang bayad na hinihingi sakanya.

---------

A/N: Hayyyyy! Nakakapagod pala noh? Pero okay lang para sa Baysrel para sa pusong dilaw hahaha. Sa next next chapter na si K lalabas. Labyaaaa.
Enjoy reading mga Sibbiesss😘
Anw bayarang babae dito si K😔 kaya gusto ko mag sorry huhu, gusto ko nga palitan ang pangalan nila pero hindi ko bet kasi gusto VICERYLLE talaga para damadama😂

April 28, 2019
12:45 AM

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Itakas mo ako sa Kasalanan (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon