Naghahanda si Aika para sa kanyang trabaho at habang ginagawa nya ito ay kausap nya naman sa telepono ang kanyang boyfriend na si Tony o Ton-ton.
" Sorry talaga, Ton, ah? Tinawagan na kasi ako ng manager namin eh. Sorry talaga, di ako makakapunta" sabi nya habang naghahalukay sa kanyang bag.
" Aika, sabi ko naman sayo na tigilan mo na yang trabaho na yan."
"Ton---" napasabunot nalang sya sa kanyang buhok at bumuntong hininga.
"--alam mo naman kung gaano ka importante ang trabahong to sakin--"
"Aika, ang dami daming trabaho dyan pero bakit mas pinili mo ang pagiging dancer sa isang bar. Sino bang marangal na babae ang gagawa ng trabahong yan?"
Isa kasing dancer si Aika sa isang sikat sa bar sa kanilang lugar.
"Wag na wag mo kong pagsalitaan ng ganyan"
"S-sorry----"
"Wala akong pinag-aralan, Ton. Bata palang ako wala na akong mga magulang. Pangit pa ang background ko. Ano namang companya ang tatanggap sa isang babaeng walang pinag-aralan, huh? At kapag nag resign ako sa trabahong to, san nalang ako pupulutin?"
"Aika, kaya naman kitang buhayin---"
"At ano? Ipamukha sakin na mas may kaya ka at ako ay dukha lang?"
"That's not what I'm going to say--"
"Pero yun na din ang meaning non"
Pinatay nya ang tawag at pabagsak na binitawan ang telepono.
Napa buntong hininga na lang sya. Palagi nalang silang nagtatalo pero ngayon pa ito nagyari, ilang beses na nya kasing ipina-intindi sa jowa nya ang kanyang trabaho pero sa sobrang kitid ng utak nito, pilit syang pinatitigil.
Natigil sa pagmumuni-muni si Aika ng mag ring ang phone nya.
"Hello miss Yan"
" AIKA ASAN KA NA BA? MALAPIT NA TAYONG MAGBUKAS"
"Papunta na po"
Dali-dali nyang pinatay ang tawag at nag ayos.
Mahabang gabi na naman to para sa kanya.
____________________________________ follow nyoko para mas mabilis ang update ko
vote share comment like