MASKARA
Sa gabing malalim
Isip ay nagliliwaliw
Tinatahak ang walang katapusang dilim
Tila ba'y nababaliwMga mata'y ipinikit ng mariin
Pilit iniwawaglit ang sakit ng damdamin
Walang humpay na nalalangin
Sana'y mga luha'y pahupainDi matigil-tigil na paghikbi
Unan ay siyang panyong nagsilbi
Ang mga bituin ay naging saksi
Sa bawat luha ng pighati
Na matagal ng sinasariliSa pagsapit ng umaga
Kabaliktaran naman ang ipapakita
Ang matang sa gabi'y lumuluha
Tatakpan ng nakangiting maskaraHaharap sa iba na para
bang walang pinopronlema
Yun pala'y napakamaraming dinadala
Kaya naman kahit ni isa walang nagtaka
At nagtanong kung okay ka nga lang baSubalit ramdam pa rin na umaasa na may makapansin ng malulungkot na mata
Matang puno ng mga salita
Na gustong-gustong kumawalaNa dinadaan na lang sa pagluha
Sa tuwing puso'y pinipiga
Tila ba'y sinasaksak ng milyong-milyon
Taga.
Na nag-iiwan ng tanda at hiwa
Sa damdaming nag-iisa
YOU ARE READING
The Unspoken Words
PoetryA product of my own perspective about daily basis and to put all the words in my mind that left unspoken into meaningful pieces through poetry,poems,quotes and thoughts..