1

1K 13 0
                                    

Crichel "Annie" Gallega

I'm here busy scrolling through my cellphone. Si Lucci kasi ay masyadong busy dahil siya ang breadwinner sa pamilya nila kaya kahit matagal na kaming mag kaibigan since highschool ay hindi naman kami laging mag kasama lalo na nung nag college at nag katrabaho.

Kasi kung dati sa pag aaral niya ginugugol ang buhay niya at sa boyfriend niya. Ngayon naman ay busy ito kumita ng pera para sa pamilya niya.

"Nakatulala ka dyan?" Tiffany asked. Kadarating lang nito. Well, samin apat na mag kakaibigan nila Pia, Gie at si Tiffany. Ako ang early bird sakanila.

Pag sinabi mong 10 ang meet up ay saktong 10 nanduon na ako because i hate making people wait for me.

Mas gugustuhin ko pa na ako ang mag antay kesa sila mag antay saakin kasi pag ako na ang na late asahan mo almost 3 hrs akong late dahil mabagal akong mag asikaso sa sarili ko. At ayoko rin ng minamadali ako sa bagay bagay.

"Hindi mo kasabay ang dalawa?" I asked. Usually kasi sabay sabay silang tatlo kung dumating dahil sinusundo sila ni Tiffany. Samin apat ako lang ang naiibang way sakanila.

"Nasa office ako kanina. Matatagalan pa ako kung susunduin ko sila. Sabi ko nga mag kanya kanyang rides na sila. Mag angkas sila kung gusto nila." Natatawa pa nitong sambit at tinaas ang kang kamay hudyat na tinatawag nito ang waiter.

Nag order naman ito ng mga pagkain namin. Maski na rin ang pagkain nung dalawa. Kabisado naman namin ang gustong gusto nilang kinakain. Si Pia ay mahilig sa carbonara at si Gie naman ay mahilig sa Thai Spaghetti style. Ayaw non sa filipino style dahil matamis at maasim daw.

Sila ang mga kaibigan ko bukod kay Lucci. Hindi kasi ako tulad ni Lucci na mababa ang social life at bilang sa daliri ang mga kaibigan niya. She hates people. She loves her private life ika nga.

Si Dan lang ata ang kaibigan non at ako. Wala na kasi siyang ibang naging kaibigan nung Highschool kundi kaming dalawa lang ni Dan at nung nag college naman ito ayaw niya sa mga nakakasalamuha niya.

Makalipas ang labing dalawang minuto ay dumating na rin sa wakas si Gie at Pia. Inis na inaayos pa nga nila ang buhok nilang nagulo habang papalapit saamin ni Tiffany.

"Kakainis na driver yon! Baho ng helmet niya!" Inis na sigaw ni Pia ng makaupo ito sa silya, katabi ko, habang si Gie naman ay tumabi kay Tiffany.

"Sinabi mo pa! Pag itong buhok ko nag amoy pawis kakaltukan ko si Kuya!" Inis na sambit ni Gie habang busy pa rin at naka tingin sa salamin na hawak niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at napangisi dahil sa mga inaasal nila. Matatabil ang dila nila at for me ay okay lang yon.

"So, kamusta ka?" It was Pia. She's asking me out of nowhere.

"I'm fine, why do you ask naman?" Uminom muna ito ng tubig bago sagutin ang tanong ko.

"Ha? Hindi pa ba nakakarating sayo?" Confused na tanong nito. Nag taka naman ako. Anong hindi pa ba nakakarating saakin? May dapat ba ako malaman?

"What do you mean?" Naka kunot noo kong tanong.

"Your Ex Jhasper, hinahanap ka saamin. It's been what na ba? Almost 4 years na kayong wala hindi ba?" Tumango naman ako. Exactly at our graduation day nung senior highschool ay nag hiwalay kaming dalawa. Siya ang may gusto non at hindi naman ako.

I mean, he cheated on me. Pag niloko ka ng isnag tao meaning gusto niyang ikaw mismo mang iwan sakanila so i did leave him. I broke up with him.

Nabalitaan ko rin na nung nag hiwalay kami ay siyang tinigil nila ng kabit niya sa pag uusap nila. Actually, yung kabit niya ay kaibigan ko.

It Takes TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon