Chapter 15

9 0 0
                                    


PAGKATAPOS ng asaran namin kanina ewan ko ba parang siya yung pinaglilihian ko, wag naman sana kasi gusto ko paring si liam ang kamukha ng magiging anak namin.

"Hoy tulala ka na naman" untag  niya.

Ngumiti ako ng pilit " May iniisip lang." Sagot ko.

"Sino naman?" Tanong niya, nakataas pa ang isang kilay niya.

Mahina akong natawa "Sino agad? Di ba pwedeng ano muna?" Sabi ko

Bumuntong hininga siya bago sumagot " Alam naman natin kung sino talaga at hindi ano" alintana niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko " Wala namang bago ehh, siya lang naman lage kong naiisip" natatawa kong sabi. " tinaboy niya ako na parang di ako ang bestfriend niya, pinagsalitaan niya ako ng masasakit na salita" sabi ko habang nag uunahan na sa pagtulo ang luha ko. " andami tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung lahat ng ito ay masasagot, napapagid na rin ako nawawalan na ako ng pag asa na tanggapin pa niya kame ng magiging anak niya." Pinunasan ko ang mga luhang hanggang ngayon patuloy parin sa pag agos.

Nilapitan niya ako saka niyakap " Handa akong saluhin ang responsibilidad na dapat sa kanya, let me be the father of that child, alexa" he paused " alam ko mahirap pero sana pag aralan mo akong mahalin yun lang hindi ko naman sinasabi sayo na mahalin mo ako agad agad ang akin lang ay sana pag aralan mo akong mahalin." Pagpapatuloy niya.

Niyakap ko ng mahigpit si kurt, alam kong nasasaktan ko na siya pero hindi ko alam ang gagawin ko dahil kahit ako naguhuluhan pa sa mga nangyayari hindi ko pa nga nasasabi sa pamilya ko ang punagdadaanan ko ngayon, andaming 'what if ' ang tumatakbo ngayon sa isip ko.

"Hayaan mo muna akong mag isip isip kurt, pangako sasabihin ko agad sayo ang magiging  desisyon ko." Wika ko.

Best Friend ZoneWhere stories live. Discover now