Prologue

8 1 0
                                    

Gia,

I'm sorry but I don't wanna do this anymore. Masyado ka ng nanghihingi sa akin ng time at hindi ko na kaya. Nasasakal na ako sa relasyon natin. Ni hindi mo lang ba iniisip na ito ang pangarap ko at kailangan mong hayaan lang ako sa gusto kong gawin?

Hindi ikaw ang nanay ko at hindi pa tayo mag-asawa pero shet kung makasakal ka sa akin sobra talaga eh. Kaya mas mabuti pang putulin na natin 'to. Hindi ko na rin kayang itago na girldriend ko ang isang tulad mo. Ni hindi nga tayo bagay. Kaya maghiwalay na tayo. Ni hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ko at pinatylan ko ang isang tulad mo.

Oo nga pala. Iniwan ko na rin ang gitarang iniregalo mo sa akin noon. Sayo na ulit iyon. Ibenta mo man o itago wala na akong pake basta naibalik ko na iyon sa iyo. Ayoko na ng kahit anong bagay na mag-uugnay sa ating dalawa. Nakakahiya sa career ko.

Wag mo na ring subukang ipagkalat sa media o ichismis na naging tayo kasi sa totoo lang walang maniniwala sa pangit na katulad mo. Ciao!

Zero

Isang sulat na naging unang senyales ng pagguho ng buong buhay at mundo ni Gia. Isang sulat na nagtulak sa kanya sa depresyon. Ang sulat na naging rason niya para umalis ng bansa upang talikuran lahat ng masasamang alaala niya. Mabubuo pa ba at maibabalik sa dati ang buhay niya kung bigla na lang siyang hilain pabalik sa lugar kung saan anduon ang taong nagtulak sa kanya sa kalungkutan?

-vote and comment please

melancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon