"'Wag kang mag-alala, Gia. Siguradong next time na magrerecruit sila ay ikaw naman ang makukuha. Di ba nga sabi ni Mr. Lumabao ay napakaganda ng boses mo?" Nakangiting sabi sa akin ng nobyo ko habang magkahawak kaming naglalakad pauwi.
Kagagaling lang naming dalawa sa Club meeting namin sa school. Meron na daw kasing announcement tungkol dun sa recruitment ng Assyl. Assyl is a big music company that trains aspiring musicians, singers, and producers. Pumunta sila sa amin matapos silang masabihan ng aming school na merong magaganap na Music Fest sa amin.
Our school, University of Xelo, is a very prestigious art school. It is known for its outstanding students that's why when they informed Assyl about our Music Fest, they immediately agreed to send some representatives.
"Sana nga. Pero feeling ko kasi may kulang pa sa pagkanta ko kaya ganun. Magpapractice na lang ako ng magpapractice para gumaling pa ako." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"That's the spirit. Wag kang mag-alala tutulungan din kita." Kinabig ni Zero ang ulo ko papunta sa kanya para halikan ang noo ko.
Natatawa na lang akong tumingala sa kanya. "Ikaw? Graduation mo na next month at nakuha ka pa ng Assyl. Sigurado akong magiging abala ka na sa training. When are you going to treat me?"
"Mukha ka talagang libre, Gia," nakangiti niyang sabi tsaka pinisil pisil niya ang pisngi ko. "How about this saturday? Let's watch a movie then we'll eat outside."
"That's wonderful."
"Tsaka di mo kailangang mag-alala tungkol sa oras na magiging magkasama tayo. Sisiguraduhin kong lagi akong may oras para sayo."
Nginitian ko siya. "I know. I trust you."
Pagdating namin sa tapat ng gate ng bahay ko ay tinitigan ko ulit siya. "I'm really happy for you, Zero. Congratulations." Puno ng sinsiredad na sabi ko sa kanya saka ko kinabig ang batok niya at mabilis siyang hinalikan sa labi na ikinatunganga niya.
We've been dating for a year now and we haven't really kissed. Oo na, "Isang taong relasyon na walang halik halik labi?! Imposible!" Pero sa totoo lang meron nun. Kami. Si Zero ay ang nag-iisang anak ng best friend ng ina ko kaya talagang lumaki kami ng sabay. Alam ni Zero na hindi pa ako handa sa mga ganun at nirerespeto niya iyon. Okay lang din naman daw sa kanya dahil gusto niyang patunayan sa mga magulang namin-lalo na sa mga tatay namin, na pinapahalagahan niya talaga ako at rerespetuhin.
Pero ngayong marami na siyang nagawa para sa akin at marami na rin siya napatunayan, he deserves a prize. Malandi ba? Pero sa totoo lang gusto ko na ring masubukang dalhin ang relasyon namin sa ibang lebel. Hindi naman sa sukdulang lebel pero kuha niyo naman na siguro yung punto.
Napangiti na lang ako sa kanya. "You're really cute, Zer."
Napakamot na lang siya sa kanyang batok habang mas namumula pa ang kanyang mga pisngi. "Well you're cuter." He said as he pulled me towards me and kissed my temple. "You're very beautiful too, my flower."
Iminulat ko ang aking mata at napaface palm na lang. This f*cking dreams should really stop. Ewan ko pero kasi nitong mga nakaraang araw ay nagstart nanaman ang panaginip ko tungkol sa kanya. Tungkol sa amin. Hindi ko alam kung anong meron at naiinis na talaga ako dahil base na rin sa panaginip ko, sobrang linaw pa rin ng pagkakaalala ko sa kanya.
Tumingin lang ako sa kisame. It's over, Gia. You've moved on. Stop it. I groaned as I put my pillow on my face to muffle my scream. Pagkatapos kong sumigaw ay tinanggal ko ang aking unan.
Di ko alam kung gaano katagal akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko din namalayan na nakasilip na pala at nakatingin sa akin ang best friend sa akin hanggang sa nagsimula siyang magsalita. "Hey. You're awake. Is this a miracle?"
"I wouldn't be awake right now if it isn't because of these f*cking flashbacks." I groaned and massage the bridge of my nose at the same time.
Meet my best friend, Alysson Montez. She's half filipina and half australian. Nakilala ko siya sa isang restaurant na gustung-gusto kong kainan dito nung mga unang linggo kong tumira dito sa Australia. Isa siyang part time waitress dun at tinulungan ko siyang ipagtanggol ang sarili niya nang sigawan siya ng isa sa mga customers. Nung una hindi ko naman talaga balak tumulong dahil ayaw kong kumuha ng atensyon pero nung nakita kong pagbubuhatan na siya ng kamay ng lalaking customer na nagpapahiya sa kanya ay hindi ko na napigilan at tinulungan siya.
Akala ko nga eh isa lang siyang simpleng tao ngunit laking gulat na lang naming dalawa ng bigla kaming magkita sa isang formal gathering para sa kompanya na sisimulan ng aking kuya. Dun kami nagsimula mag-usap at maging matalik na magkaibigan.
"You know, your flashbacks are getting worse. Maybe we should go to the psychiatrist your brother's talking about." She said as I step out of the bathroom and started wearing the clothes that she prepared.
"I don't want to make a big deal about this. You know how hostile my brother when it comes to anything that is connected to him. Tsaka kailan ka pa nag-agree kay kuya? Aso at pusa kayo pero bakit ka umuoo ngayon sa kanya?" I eyed her and smirked. "Don't tell me-"
"Continue that sentence and you're going to find you're tongue severed and lying on the floor." Natawa na lang ako sa sinabi niya at tinuloy ang pag-aayos sa aking sarili.
"Umagang-umaga bad trip ka naman agad. Alam mo sa tingin ko kailangan mo na talagang makipagdate."
"Sinong bang hindi mababadtrip?! Goodness! Have some decency, Gia! Sa lahat ng itutulak mo sa akin yun pang lalaking bato at bully ang napili mo. Anong gusto mong mangyari sa akin? Maging abo?" Natawa na lang ulit ako at tinignan sa may salamin habang nagdadabog na sinasampay ang lahat ng damit na dinal niya para sa akin.
"I'm just joking. Para naman gumaan gaan ang pakiramdam ko." At nang na mawala sa isip ko ang panaginip ko kanina. Dagdag ko sa isip ko.
"And you're using me? Ano ako clown? Alam mo kung hindi lang kita best friend baka ikaw ang best enemy ko. Parehas kayo ng kuya mo! Kung hindi lang din mataas ang bayad niya sa akin for every clothes that I make for you and sa pagiging assistant ko sayo, matagal ko na siyang sinakal at sinipa sa totoy niya." Pagrarant ni Alysson habang nagdadabog pa rin. "Sige na tapos ka na! Isuot mo na yang maskara mo at tara na sa labas. Hintayin na kita sa sasakyan, ha? Nag-order na ako ng breakfast nating dalawa at siguradong asa office na yun."
Hinintay kong umalis si Aly bago bukas ang nasa kanan kong cabinet. Tumambad agad sakin ang napakaraming mga maskara na mga ginagamit ko na nung mga nakaraang taon simula nung nagsimula ako.
It's time.
Kumuha ako ng isang maskara randomly at saka ko sinuot. Bumalik ako sa harapan ng salamin at huminga ng malalim bago ko sinimulan ang mantra ko na matagal ko ng sinasabi ko sa sarili ko.
"You are amazing. You're needed. You're not who they say you are. You are worthy. YOU ARE ALIVE. YOU ARE PRINX."
![](https://img.wattpad.com/cover/186036158-288-k440923.jpg)
BINABASA MO ANG
melancholy
RomanceGia, I'm sorry but I don't wanna do this anymore. Masyado ka ng nanghihingi sa akin ng time at hindi ko na kaya. Nasasakal na ako sa relasyon natin. Ni hindi mo lang ba iniisip na ito ang pangarap ko at kailangan mong hayaan lang ako sa gusto kong g...