Nica POV
"Lumayas ka! Ikaw lang naman ang malas sa pamamahay nato!" bulyaw sakin ni tatay.
"Bakit? Bahay mo bato?!" sigaw ko ng sabi wala na akong natitirang miski katiting na respeto para sa taong to! Alam kung tatay ko sya pero hindi na tama ang pang bubulyaw nya.
"Abat sumasagot ka na ngayon ah!" sabay amba nya ng sapak sakin pero pinigilan siya ni kuya." Tay tama napo" pakikiusap ni kuya "Nakakahiya po sa mga kapit bahay" pagtutuloy nya.
"Ako paba ang mahihiya? Eh dapat yang kapitid mo ang mahiya! Pinapaaral na nga hindi pa inaayos ang pag aaral puro kabulastugan lang ang ginagawa! Tapos ngayon? Malalaman kung hindi kapa gragraduate?! Abat hindi na tama to! Lintek lumayas kana dito ayaw ko ng makita pag mumukha mo sa bahay nato!" gigil na gigil na sambit ni tatay.
Ang sakit marinig ng mga salitang yun na nag mumula pa sa magulang mo. Yung dapat na sila pa ang mas makakaintindi sayo pero sila pala yung unang maghuhusga sa kataohan mo nakakalungkot pero sanay na ako.
"Wag kang mag alala Mister! Lalayas talaga ako kahit hindi nyo pa sabihin!" sabay lakad ko papunta sa kwarto ko. Narinig ko pang sumisigaw si tatay pero di ko na pinansin.
Pagka pasok ng pagkapasok ko sa kwarto agad na akong nag impake ng mga gamit ko, gusto ko na talagang umalis dito hindi na nakakatuwa ang tumira dito kasama ang tatay ko.
Pag katapos ko ng mag impake aalis na sana ako sa bahay ng pigilan ako ni kuya.
"Aalis kaba talaga?" bahid sa mukha nya ang lungkot at pag tutol niya sa gagawin ko.
"Kuya sana maintindihan mo, alam mo namang hindi kami magkasundo ni tatay kung paparito ako mag aaway ng mag aaway lang kami" sambit ko. Alam kung labag sa kalooban nyang umalis ako pero alam nyang di nya ako mapipigilan sa mga desisyon ko.
"Alis na ako kuya paki bantayan nalang si tatay at mag iingat ka rin" pamamaalam ko sa kanya.
"Ikaw rin, balitaan mo ako huh? Itext mo sakin kung saan ka titira at update me all the time hanggat maaari" sinserong sambit niya.
"Yeah sure kuya, oh pano alis na ako baka ma abotan pa ako nung isa at mag kasagutan nanaman kami" pag katapos kung sabihin yun agad kung nilabas ang cellphone ko upang tawagan ang kaibigan ko.
*ring ring ring*
"Yeoboseyo? (Hello)"sagot nya sa kabilang linya."Saan ka?" agad na tanong ko.
"Waeyo? (Why?)"
"Aish nag kokorean nanaman eh! Lintek! Kung sagutin mo nalang kaya kung nasan ka?! Mahirap ba yun!?" naiinis ko ng sabi.
"Woahh ez dude hahaha, andito sa bahay bakit ba ang init ng ulo mo? Nag away nanaman ba kayo ng erpats mo?" Sagot niya.
"Hindi lang away kundi pinapalayas niya na ako" malungkot kong sabi.
"Owww, eh? Lumayas ka naman?" tanong nya sa kabilang linya.
"Syempre ano pa bang gagawin? Alangan namang ipilit ko parin yung sarili ko dun sa bahay na yun kahit ayaw na niya ako dun?" Sunod-sunod kung sabi.