Nica POV
Nagising ako kina umagahan na wala si Xian sa condo niya. Nadatnan ko nalang na may naka handa ng pagkain sa mesa. Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong condo niya. Sobrang ganda ng condo niya abo, puti at itim ang makikita mo halos na kulay sa condo niya. Ang makikita mo pati narin sa mga ka gamitan nag lalaro lang din sa ganung kulay.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Mamaya na ako kakain pag andiyan na si Xian sabay nalang kaming kakain iinitin ko nalang kapag lumamig.
Biglang tumunog ang cellphone ko tinignan ko kung sino si kuya pala nag text
"Ano kumusta? Okay lang ba talaga na diyan ka mananatili?"
Hindi man ako pinagpala sa ama pinagpala naman ako kay kuya.
"Hayaan mo kuya di naman talaga ako mag tatagal dito, maghahanap ako ng trabaho para magka pera at makahanap ng matitirhan ko, sa ngayon dito nalang muna ako kay Xian" I replied
"Sige sige ikaw masusunod, update mo nalang ako time to time sis ah? May gagawin muna si kuya"
"Sige kuya ingat"
Ano kayang gagawin ni kuya? Siguro maghahanap nanaman yun ng mararaket para magkapera.
Lumabas na ako sa kusina at nag punta sa harap ng tv. Pati tv ni Xian ang gara tignan di ko alam pano to paaandarin boryung boryu na ako wala akong magawa di naman ako makapag linis kasi ang linis na ng bahay wala man lang alikabok na makikita sa sahig o sa sofa, ang linis na tao ni Xian swerte ng magiging girlfriend niya.
Sa sobrang tagal ni Xian napag isipan ko nalang na kumain na baka kasi kumain na rin yun kung nasan man siya ngayon. Pagkatapos kung kumain dumiretso ako sa kusina para hugasan lahat ng ginamit ko na pinggan.
Naisipan kung lumabas muna mamimili ng lulutuin mamaya, may pera naman ako kahit konti okay na siguro to. Bago pa ako makasakay sa elevator may isang familiar na tao akong nakita nakasandal lang siya sa harap ng pinto habang nakapikit ang mata nag iisip ng malalim.
Pinagmasdan kung maigi ang mukha niya yung mata niya mapupungay, sobrang perpekto ng mga ilong ang tangos, yung mga labi niya hugis puso ang ganda tignan bagay na bagay sa mukha niya na maliit parang birhen at yung mga buhok niya bagsak na bagsak akala ko si Xian lang yung may ganuon na pagka perpekto sa mukha pero ang isang to mukhang mas matitimbangan niya ang ka gwapohan ni Xian.
Siguro kung di lang siya ugaling demonyo baka may pag asang mag kagusto ako sa kanya.
Pero sandali nga bakit andyan lang siya sa harap ng pinto na yan? Ano kayang iniisip ng isang to.
Iniisip siguro nito na bakit pa siya pinangak sa mundong ibabaw hahahahha.Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya, at anak ng tepaklong nakatingin na pala sakin yung lalaki, nakakahiya.
Pag ka bukas ng elevator dali dali akong pumasok, at ang pag kakataon nga naman!
Pinipindot ko na ng maigi ang button upang mag sara ang pinto pero anak ng tupa di nag sasara!
Ilang segundo ang lumipas unti-unti ng nag sara ang pinto, iniharang niya ang kanyang kamay sa pinto upang hindi ito tuluyang mag sara, lumuwang ulit ang pinto ng elevator. Nakapamulsa siyang naghihintay sa labas ng elevator nag hihintay na ayain kong pumasok o naghihintay lang to na bayagan ko siya?
Nakatayo lang siya sa labas ng elevator at naka titig sa akin, umiwas naman ako ng tingin dahil sa hiya bakit ba kasi nakatitig ako sakanya kanina! Punyeta naman oh!