Sad Love Story by ZOEICETANDEM
In the scene, a boy and a girl is breaking up because the girl is dying but the boy doesn't want to give up.
Napakagandang tanawin ang nakita ni Jean habang nakaupo sa ilalim ng puno at tanaw ang lumulubog na araw sa dagat. Nais sana niyang makausap ang kanyang kasintahan ngunit wala siyang mahanap na paraan upang maipaliwanag ang kanyang matagal ng tinatagong karamdaman. Paano niya ito maipaliwang sa lalaking kanyang unang minahal kung ito lang ang makakasira sa kanilang matagal na pagsasama.
Isang araw ay biglang sumama ang pakiramdam ni Jean at tanging pakiusap niya sa kanyang ina na huwag sana itong malaman ni Rupert ang kanyang kasintahan. Pilit na binuksan ni Rupert ang pinto ng bahay ni Jean dahil ilang araw na hindi siya kinakausap nito maging sa telepono ay ayaw itong kausapin kaya’t napilitan siyang puntahan ito sa bahay nila. Pinigilan siya ng ina ngunit nagpumilit itong pumasok tumambad sa harapan niya ang matamlay na katawan ni Jean na dati masigla at napakaganda ngayon ay unti-unti ng nawalan ng buhay. May Kanser sa utak si Jean dahil sa kahirapan kaya hindi siya naipagamot ng kanyang ina. “Huwag mo sanang isipin na dahil hindi ko sinabi ang totoo ay nabawasan na ang pagmamahal ko sa’yo, ayaw ko lang maging pabigat sa’yo.” Mahina at matamlay na sabi ni Jean. “Hindi, gagawa ako ng paraan, ipapagamot kita.” Ang umiiyak na sagot ni Rupert.
Nakipaghiwalay si Jean kay Rupert at sinabing kahit mawala siya ay ipatuloy pa rin niya ang buhay niya at panatilihing bukas ang puso para magmahal ulit. Sa mga sandaling iyon ay karga ni Rupert si Jean sa kanyang mga braso dahil nais niya itong makaabot pa ng hospital upang magamot. Hindi siya tumigil sa paghahanap ng paraan para magamot ito. Mahal na mahal niya si Jean at handang gawin ang lahat para sa pangangailangan ng minamahal ngunit paano niya maibibigay kung ang tanging kailangan ng kanyang kasintahan ay sariling buhay nito.
