Meet the New Beshies❤

2.7K 44 3
                                    

JHAYCEE'S POV.

'Good morning Philippinessssss!!!'
Pagbati ko, at agad na bumangon at nag ayos ng aking hinigaan at agad na ring naligo.

Matapos kung gawin ang aking morning routine ay agad din akong bumaba at sinalubong ang aking pinakamamahal na ina at ang aking ama.

"Good morning ma' pa!"-pagbati ko sa aking mga magulang. "Good morning din sayo anak, bakit parang good mood ka ata?"-mama

"Ma! Nakalimutan mo na ba? FIRST DAY NGAYON.!!!"-ako.
"Oo nga pala anak! Sorry. O sya! Kumain ka na at mag ayos nang maka alis ka na agad ng hinde ka na maLate!"-mama

"Opo ma."-ako. "Anak! Pagbutihin mo ang pag aaral mo ah? Kailangan makapagtapos ka."-si papa.

"Oo naman pa! Hinding hinde ko kakalimutan lahat ng sinabe nyo."-ako. Agad naman kaming kumain.

Matapos naming kumain ay agad naman akong nagpaalam na mag aayos ako ng sarili ko. Simple lang ang suot ko ngayon. Naka V-neck white t-shirt at simpleng black fitted jeans. Okay naman na siguro to.!

"Ma!! Pa!! Alis na po ako."-ako. "Sige anak. Mag iingat ka ahh!!"-mama. "Opo!"-sigaw ko at agad na umalis.

Sya nga pala ako si jhaycee adecer 16 years old. Im proud to be a gay pero d tulad ng iba na nagsusuot pambabae tanggap ako ng mga magulang ko. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng magulang na katulad nila.
Hindi kami mayaman hindi rin mahirap. Sakto lang ganun. Atleast masayaaaaa.😂

Nagsimula na akong maglakad papuntang school na papasukan ko. Walking distance lang naman kaya pwede mo ng lakarin. Walking nga diba! Walking???

"Jhaycee!!"-sigaw ng pinakamamahal kong kaibigan.
"Ryza!!"-sigaw ko pabalik dito. "Hay nako! Buti dumating ka na! Kanina pa ako dito! Alam mo namang transferee lang tayo dito! At scholar pa!"-panenermon nya.

"SORRY NAMAN KASALANAN KO BA KASING PUMASOK KA NG 6:00 NG UMAGA SAMANTALANG 7:00 PA YUNG START NG KLASE!!"-ako.

"Ahh hehehe sorry naman excited lang pumasok kasi naman PRIVATE TO! At syempre maraming POGI dito! Hahaah"-tawa ng abnormal kong kaibigan.

"Sabagay WAHAHHAH"-pag sang ayon ko. "Tara na nga! Hanapin na natin room natin! Buti nalang magkaklase tayo yiieepieee"-ryza

"Tara!"-ako. Nagsimula na kaming maglakad lakad at naghanap ng room namin. "Bhe! Dito tayooooo!"-sigaw ni ryza. "Ang ingay mo bitch! Hahaha"-ako. "Tangnamo!"-Ryza.

Pumasok na kami ng room. Unti pa lang ang estudyante mukhang nag gagala gala pa ata. "Bhe! Dun tayo sa bandang gilid dun sa may bintana banda."-ryza. "Tara!"-ako.

Agad naman kaming naupo at inayos yung gamit namin. Nakakapanibago dito. Ang ganda ng bawat gusali halatang alagang alaga eh.

"Hi.! Pwedeng makipag kaibigan sa inyo?"- saad ng babae. "Pwede naman. Im ryza fajanel "-ryza "and im jhaycee adecer nice meeting"-ako.

"Im mikaela Rivera at sya si anthonetthe at si reishi."-mikaela at pagtukoy sa katabi nitong dalawa pang babae. "Nice! May bago na tayong kaibigan !!"-ryza.

"By the way. Scholar ba kayo?"-tanong ni anthonetthe "ah oo. Kayo?"-balik kong tanong "kami ren.!! "-reishi. "Mukhang masaya to.!!"- mikaela.

"Sabay na tayong magpunta sa cafeteria ahh!"-ako. "Oo naman!"-sila.

============================
Pasensya kung maikli tong chapter na to ahh. Don't worry babawi akoooo❤

Pengeng comments👋
Pengeng votes😘

THE PERVERT'S SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon