"CPR"
"Hoy Ly!!! Bilisan mo nga yang pag lakad mo at pwede ba wag kang cellphone ng cellphone dyan!! malalate tayo sa pinaggagawa mo eh!!!"
Ang sermon sa akin ni Den.
"Paki ko ba kung malalate tayo? At isa pa tapos na naman ang klase at di na part ng grades natin yang orientation na yan!! bakit pa kase may ganyan pa." Ang sagot ko kay Denden.
"Hoy babae wag mo ngang magganyan yang orientation. BASIC LIFE SUPPORT yan at paano kung may mangyari sa atin-sa pamilya natin, itong orientation nato ay malaking tulong na sa atin. Katulad ng CPR." Paliwanag ni Den.
"Daaah...What's the purpose of the rescuer?" Ang matigas Kung sagot kay Den.
"Hay naku! Ewan ko sayong babae ka! kahit ano pa yang rason mo basta aattend tayo at bibilisan ang paglakad para di na tayo malate." ang saad ni Den.
So yon nga wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Pagdating namin sa Conference Room ng school ay magsisimula palang kaya di parin kami late kundi on time pa. Agad kaming umupo ni Den kasama ng ibang kaibigan namin buti nga at naglaan sila ng upuan kung hindi sermon na naman aabutan ko.
"You guys are so matagal buti na lang at magsisimula pa lang." Ang reklamo ni Lau.
"Huwag ako ang sermonan nyo yang babaeng yan (sabay turo sa akin)." Ang sagot ni Den.
"Eh kasi ang bagal maglakad ni Den at cellphone ng cellphone." Ang sagot ko naman.
"HOY ALY-" Di na tapos ni den ang sasabihin dahil nagsimula na.
"Good morning students, we are from the Bureau of Fire Protection and we are here in your school to conduct an orientation about THE BASIC LIFE SUPPORT. To formally start me I introduce myself, by the way I am Fire Inspector 2 Raymond Durado. Ok let's start..."
Ang mahabang intro nya. Hay naku napaka boring naman. Sinalpak ko ang headset ko at nakinig nalang ng music.
Nakita ko sa powerpoint na CPR na yong topic, sinabi nya yong mga steps at blaah blaah maka idlip nga.
-------------------------------------
"Hoy Ly gising!
Ang malakas na yugyog sa akin ni Den.
"Bakit ba?" Ang medyo malakas kung sagot.
"Volunteer daw, sabi ni Sir"-den
"O tapos?"-ako
"IKAW ANG TINAWAG!" Ang malakas na sambit ni Ella.
"Anong ako! Wag nyo nga akong madamay sa mga kabaliwan nyo kita nyong natutulog yong tao eh!" Ang matigas saad sa kanila.
"Kaya ka nga natawag eh dahil dyan sa katutulog mo.!"-den
"HOY-" Diko na natapos ang pagsasalita ng may narinig akong boses.