Chapter 1- Rewind

425 13 1
                                    


Hindi ko alam kung nag aadik din ba tong mga taong toh o sadyang may pagka unli lang sila at saksakan ng kulit. Hindi ko alam kung paano nila kami natutunton samantalang . . . ah ewan!

"Di din kayo makulit eh noh?" Asar kong sabi sa apat na lalaking kaharap ko ngayon. Mga pormal ang suot nila eversince na natatandaan ko.

"Señorita Hyacintha (Yasintha),---"

"Ano, ano?? Ano yun?," tayo ko mula sa pagkaka skwat, bukaka sa sidewalk, " Señorita nanaman? Aba aba hinahamon mo yata talaga ako eh noh?" Gigil kong duro sa lalaking maybkatabaang shang huling nagsalita.,  "Pwede ba?? Wag mo kong tawaging ganyan??!!!!! Yazi! Yazi sabi eh!" Kakamot kamot ng ulo ang lalaking nagsalita. Mga tauhan sila ni . . . papa. (Daw) na ilang buwan na akong di tinatantanan. Ilang beses sa isang linggo magpakita ang mga kamoteng toh at isa lang naman ang tinatanong nila saakin mula noon, hanggang ngayon.

At isa din lang naman ang sagot ko.

"Ya-Yazi, pinapatanong ni Señor Dimitri kung nagbago---"

"Aba'y wala kayo talagang kasing kulit eh noh? " tinaas ko ang magkabilang sleeves ng T-shirt kong kasha na ata ang isa pang tao sa luwang. Gusto ko na kasing sapakin tong mga patatas na toh eh, "Hindi ba't sinabi ko na nga sainyo? HINDI NGA MAGBABAGO ANG ISIP KO!!!! H-I-N-D-I!!!! HINDI!!!!!!! ngayon, LAYAS! Kung ayaw mong pasabugin ko yang nguso mo!" Pinanood ko silang yumuko, siguro bilang pag galang at sabay nagmamadaling nagsi lakaran na halos patakbo, paalis. Nang-gigigil na ako sa mga toh eh. Ang kukulit sinisira diskarte ko boyset eh! Tapos tatawagin pa kong señorita? Walang señorita na ganito ka boyish.

 Ang kukulit sinisira diskarte ko boyset eh! Tapos tatawagin pa kong señorita? Walang señorita na ganito ka boyish

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung basagan din lang naman ng mukha sanay ako jan. Kung saan saang gang ako dati sumasabit para lang di ako basta basta magalaw ng mga tambay dahil nga batang lansangan ako. Gustong gusto ko na ngang sampolan ang mga lalaking 'yun.

"A-ate?" Narinig ko si Sharia at nag balik sa kasalukuyan ang balintataw ko. Mas bata sha saakin, kung ako ay mag si-sixteen na, sya ay thirteen. Sumunod si Vhielle na Nine, at ang bunso na si Eimeelyn na mag si-six na. At si kuya Niell, mag e-eighteen na next month.

"Ang dusing mo na ah?" Punas ko sa mukha nyang may natuyo pa atang sipon sa may pisngi. Kaya lang parang lalo yatang dumumi dahil madumi din ang hoodie ko.

"Hoy Yazi!" Lingon ko sa kababata kong si Bhucky, "yung mga alipores nanaman ba ng papa mo?" Tumango ako, "ano? Banatan na natin?" Binatukan ko sha ng malakas, "aray naku!" sapo sapo nya ang batok na hinihimas himas pa niya, "grabe ka talaga sakin Yazi. Ambigat ng kamay mo lalaking lalaki,"

"boklogs kaba? mukha ba 'kong babae sayo?" at dahan-dahan kong inakyat pabuhat si kuya sa likod ko na inalalayan naman ni Bhucky para maisampa.

"Ahm, hinde?" Parang nagdadalawang isip pa sha eh talaga namang hinde. Laging naka tali ang buhok ko at kundi naka hoodie ay naka cap. Malalaki din ang mga damit ko at maging ang mga shorts ko na kung di six pocket (para mas marami ang mailagay na nakulimbat) ay shorts na may apat na bulsa.

My Boyish Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon