Nasa office ako ngayon, nagyuyoutube. Natapos ko na naman yung pinapagawa ni Sir Dan. Pinagpunta akong bangko tas pinagseminar sa mga kakailanganin kong bayarin at mga due dates kase nasabi ko sa boss ko na first time job ko to kaya ang gentle nyang mag utos. Potek, natawa ako sa term ko. Anong gentle ba pinagsasasabi ko. "AYY PUTANGINANG YAN!!!" muntik na atakehin sa puso kahit wala naman akong sakit. Halos lumabas na yung puso ko sa sobrang gulat kase may parang nahulog na steel sa likod ko tas paglingon ko, yung demonyo masayamg masaya ang nakita ko. "Bwisit ka Lenny! Ano bang problema mo ha?! Kanina ka pa ah! Tatapon ko yang kaldero sa muka mo e tangna ka!" Asar na sabi ko kay Lenny. "Hahahahahaha, di mo magagawa yan kase love mo ko." Confident nyang sabi. "May I remind you about the kick I throw on your fats last day?" Pang aasar ko ulit sa kanya haha. Nakita kong bumusangot yung mukha nya pagkarinig nya ng fats haha. "Ansama mo! Wala akong fats no. By the way, tara lumabas kana dyan sa lungga mo, magmemeryenda tayo." Sabay hila nya sakin. Tiningnan ko yung orasan sa office at past 1pm na pala. Nagtaka ako kay Lenny. "Huy anong meryenda? Maglunch nalang tayo gutom na ko e gusto ko maaming pagkain" natatakam kong sabi. "Girl, di uso lunch dito pero kung gusto mo kumain, dumiskarte ka hahaha. Halika marami akong tinabi sa mga orders galing sa customer natin kanina." Proud pa nyang sabi na ipinagtaka ko. "Huy! Kinukuha mo yung mga tirang pagkain ng mga customer natin??" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Tanga! Di no hahahaha, before maserve yung order nila kinuhanan ko ng konti hanggang sa dumami kapag marami din orders hehe." Ngayon nakaawang na talaga yung bibig ko. "Pwede ba yun?? Di ba sila magagalit??" Nalilituhan talaga ako si pinaggagawa nitong babaeng to. "Tanga ka talaga girl, syempre di mo papakita yung kalokohan mo, syaka sayo rin naman mapupunta yun e. Konti lang yan para sa mga costumer natin dito kase mayayaman naman sila haha" napaisip din ako sa sinabi ni Lenny. Sabagay tama naman sya pero mali pa rin. Ano ba yan, diko talaga maintindihan sarili ko. Diko namalayan nandito na pala kami sa kusina kung saan dito rin nagluluto ang mga kusinero ng mga pagkain na inoorder galing sa customer. Mga kusinero lang andito tas mga waiters na kumakain kase break ngayon kapag ganitong oras close muna ang restaurant tas magreresume ulit pag dinner time na. That's why I understand kung bakit nakakagala sila palagi. Bat kaya di nalang sila magpahinga. Tsk. "Oh ayan kain na." Sabi ni Lenny. At nagulat talaga ako sa dami ng pagkain na kinuha ni Lenny galing sa mga customers. May fish fillet, shrimps, native chicken, tuna, sashimi tsaka kumuha pa talaga ng softdrinks ang kingina. Mapapamukbang kami neto. Kaya tumataba si Lenny e. Di lang pala kami ang maraming pagkain pati yung iba din. Jusko di naman sana ikalugi ng restaurant to. Pansin ko ang saya maging waiter ah, nakikita ko yung harutan este biruan nila Lenny e. Di na nga ako napapansin kaya kain nalang ako ng kain kase gutom talaga ako. Maya maya narinig kong tumunog yung phone ko. Tumatawag si Carlo and I don't have plan to answer it. Ayoko na sa kanya. "Oh sino yan bat di mo sagutin?" Tanong ni Lenny at alam kong alam nya na si Carlo ang tumatawag, kunyari pa tch. Di ko nalang sya pinansin at hinayaang matapos ang ringtone ko. Pero parang may nakikita ako sa peripheral vision ko na nakatitig sakin kanina pa. Nilingon ko at tama nga ang hinala ko. Yung adan na parang eva kung mag ingay at buhol buhol yung salita hmm. Confident sya masyado kase di sya nahiya nung nahuli ko syang nakatitig sakin. This is exciting, I smirked at him and winked my right eye then lumabas sa kitchen. Bahala na si Lenny magligpit dun total di pa naman sya tapos kumain kakadaldal nya. Pumasok ulit sa utak ko yung madaldal na adan and felt excitement again.
YOU ARE READING
Pretty Mess
General FictionIt's all about you already gave everything but got nothing to received. Wala naman siguro masama sa pagbibigay. Masama lang pag sobra na. Kaya sumama ako eh. Lalong lumala.