Enjoy Reading :)
"MASKARA"
Sa likod ng mga ngiti
nakapaloob ang isang pighati,
Ang buong akala ng iba siya ay masaya
'yon pala ay nahihirapan na..Hindi nila nakikita ang sakit
dahil iyon pala'y nakakubli sa isang maskara--
Kung saan makikita ang
Walang problemang mukha.Akala mo tunay na ngiti
Iyon pala'y nagsisilbing kubli
Akala mo masaya
Iyon pala'y sobrang lungkot na.Ang ligaya'y isa palang panakip
Sa damdaming naninikip
Na nagsisilbing maskara
Sa lungkot na ayaw ipakita.
Astraea C
BINABASA MO ANG
Compilation Of My Poems
RandomIf you can't tell your feelings, write it. Ps. This are my old(2018) to latest poems(2021)