Flowers

281 9 1
                                    


Kasalukuyan akong nasa isang flower shop at inaamoy ang iba't ibang uri ng mga bulaklak na mayroon dito. Bago kasi itong flower shop na ito sa lugar namin kaya naisipan kong puntahan ito.

"Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak namin rito ija?" Nakangiting tanong sa akin ng isang babaeng may katandaan na.

"Sobra ko pong nagustuhan ang mga ito." Ngiti ko rin sa kaniya.

"Mukhang may suki agad kami."

"Parang ganoon na nga po hehe." Mas lumapad naman ang kaniyang mga ngiti.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo,ija?"

"Akira po."

"Nagagalak akong makilala ka Akira. Kung gusto mo ng mga bulaklak ay handa ako magbigay sa iyo." Napangiti naman ako sa kaniya. Napansin ko rin na may tattoo siya sa kaniyang leeg. Kung hindi ako nagkakamali ay hugis puso ito at tatlo pa.

"Salamat po." Binaling ko naman muli ang aking mga atensyon sa bulaklak na kaharap ko ngayon.

Kinuha ko ito at inamoy-amoy. Gumamela is the best for me. Napakabango niya, at sobra akong naattract sa Gumamela. Naalala ko noon, laging Gumamela ang binibigay sa aking bulaklak ng aking ama noong buhay pa siya. Sa tuwing makakakita ako ng Gumamela ay naaalala ko ang tatay ko. Napangiti ako.

I miss you Dad.

Napansin ko naman ang katabi ng mga Gumamela. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Ang ganda, sobrang ganda. Halos umawang ang aking mga labi nang makita ko ang mga Tulips na ito. Mas lalong lumaki ang mga ngiti sa aking labi.

God! How I love flowers!

Napansin ko namang wala na ang babae sa aking tabi. Inilinga ko ang aking paningin pero walang bahid o bakas man lang ng isang babae. Where did she go? Nasaan siya? Wala na siya? Saan siya napunta?

Binitawan ko ang mga bulaklak na hawak ko inilibot ang aking sarili sa buong flower shop. Kung ano-anong bulaklak na ang nakita at naamoy ko pero ni anino ay hindi ko makita ang babae. Oh God.

Kung saan-saang sulok na ako nakarating, ngayon ko lang din napansin na napakalaki pala ng flower shop na ito. Ibang-iba sa mga flowershop na napuntahan ko. Punong-puno ng mga bulaklak ang lugar na ito at maayos itong naka display. Kahit ang ibang mga bulaklak na hindi ko pa nakikita ay naririto. Talagang magiging suki ako dito.

Umawang ang aking mga labi sa lahat ng nakikita ko. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa mga naaninag ng mga mata ko. It feels like Heaven! Flowers are Heaven for me.

Halos magitla ako nang makakita ako ng mga sunflower. Sabik ko itong kinuha at pinagmasdan. How can nature produce this kind of things? It's so beautiful. Hindi maalis sa aking labi ang mga ngiti habang pinagmamasdan ang sunflower na hawak ko. Masyado akong naaamaze, masyado akong namamangha, masyado akong nagaganadahan. Ang pag-ibig ko sa mga bulaklak ay walang katumbas!

"Uhmm Miss? Bibili ka ba? Sorry natalagan, nag deliver pa ako ng mga bulaklak—"

Nanlaki ang aking mga mata nang makarinig ako ng boses kaya napalingon ako bigla. At sa surpresa ko ay tumambad sa akin ang lalaking naka floral tshirt. Aaminin kong ang gwapo niya, hindi ko maipagkakaila iyon. Kung kanina ay namamangha ako sa mga bulaklak rito, ngayon ay namamangha muli ako....sa kaniya.

"......nagdeliver lang ako ng....mga magandang....bulaklak." Dahan-dahan niya itong naiusal habang nakapapako sa akin ang kaniyang mga paningin. I met his gaze, ang ganda, mas maganda pa sa bulaklak ang kaniyang mga mata.

"A-Ah sige. O-okay lang." Stop that stammering tongue, Akira!

"G-gusto mo ba iyan?" Pautal niya ring tanong at itinuro ang hawak kong sunflower. Pansin ko ring maganda ang hubog ng kaniyang katawan.

Such an ideal type!

"A-ano, tumitingin lang ako." Ngiti ko sa kaniya na siyang kinagitla niya pero maya-maya ay nginitian niya rin ako.

"Kung gusto mo, ibibigay ko nalang iyan sayo." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Nako, hindi na. Baka malugi pa kayo." Tawa ko ng kaunti sa kaniya. Tumanggi ka, Akira. Nakakahiya.

"No, kung para sa iyo lang ay okay na okay sa akin." Ngiti niya sa akin.

His smile, it sent me butterflies that shivers down to my stomach. Oh God!

"W-wag na."

"I insist, miss." Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Hindi ko kayang palampasin na hindi bigyan ng isang magandang bulaklak ang isang magandang binibini." Kumuha naman ito ng puting rosas na siyang kinabalingan ko ng atensyon. Nakakamangha, ang ganda ng bulaklak na hawak niya.

Inilahad naman niya ito sa akin, tinanggap ko naman iyon dahil napakaganda ng puting rosas sa aking mga pangingin.

"Puting rosas para sa iyo, puting rosas para sa balat mong kasing puti ng bulaklak na ito. Puting rosas para sa isang binibini sa harap ko na para bang anghel sa aking mga paningin." Saad niya na siyang kinabilis ng tibok ng puso ko.

His words, it melts my heart.

"I'm Skim, please visit here often. I'm already craving for your face, presence and for your love, Akira."

One Shots Compilations (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon